Home Headlines Karera ng kalabaw sa Samal dinagsa

Karera ng kalabaw sa Samal dinagsa

1365
0
SHARE

Hindi ininda ang init ng araw ng mga kalabaw na nagkukumahog makatawid sa biniyak na pilapil na nagsilbing finish line. Kuha ni Ernie Esconde


 

SAMAL, Bataan — Ginanap ang karera ng kalabaw nitong Linggo bilang paggunita sa Araw ng Lalawigan, isang barangay ng mga magsasaka sa bayang ito, matapos pansamantalang mahinto ng dalawang taon dahil sa coronavirus disease.

Sinaksihan ng maraming tao ang pabilisan ng pares-pares na kalabaw na may hinihilang kangga kung saan patayong nakasakay ang magsasaka na gumigiya sa nagkukumahog niyang alaga.

Tiniis ng mga manunood ang init ng araw upang masaksihan ang karera na ginanap sa isang malawak na bahagi ng lupang sakahan sa barangay.

Sinabi ni Lalawigan barangay kagawad Celso Carabeo na 15 pares ng kalabaw ang maglalaban-laban. Ito, aniya, ay taon-taon nilang ginagawa bilang isang tradisyon sa barangay na ang maraming residente ay magsasaka.

Napag-alaman na noong Marso 2017 pa nagsimula ang karera ng kalabaw at pansamantala lamang na nahinto noong 2020 at 2021 dahil sa pandemya.

“Taon-taon itong gaganapin tuwing Araw ng Lalawigan dahil tradisyon na ito,” sabi ni Carabeo.

Buo naman ang suporta sa carabao race ng dalawang magkalabang grupo ng pulitiko sa Samal na ang isa ay pinangungunahan ni incumbent Mayor Aida Macalinao at ang isa ng negosyanteng si Alex Acuzar.

Tumatakbo sa pagka-mayor sa May 2022 election sina Macalinao at Acuzar.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here