Home Headlines Karera ng kalabaw: Kagawad, 6 menor, 8 iba paarestado

Karera ng kalabaw: Kagawad, 6 menor, 8 iba paarestado

1550
0
SHARE

Ang mga suspek at mga kalabaw. Litratong kuha ng Pulilan police


PULILAN, Bulacan — Arestado ang isang barangay kagawad, walong kalalakihan at anim pang menor de edad dahil sa karera ng kalabaw sa Barangay Taal kahapon.

Habang walong imported na kalabaw naman ang nakumpiska mula sa mga suspek na nakilalang sina barangay kagawad Efren Martin y Santos, 62, ng Barangay Manatal, Pandi; Marcial Sulit y Cruz, 65, ng Barangay Capihan, San Rafael; Gilbert Calderon y Evangelista, 43, ng Barangay Bulusukan, San Ildefonso; Joshua Borile y Vejandre, 31, ng Barangay Pinaod, San Ildefonso; Erwin Manalaysay y Coronel26, at Jaime Rose Manalaysay y Cunanan, 26, kapwa residente ng Barangay Calantipay, Baliuag; Mark Jayson Enriquez y Bayani, 33, ng Barangay Dagat-dagatan, San Rafael; Manny De Castro y Del Rosario42, ng Barangay Malibong Matanda, Pandi; Marvin Salvan y Salvador, 31, ng Barangay Ulingao, San Rafael, lahat sa lalawigan ng Bulacan

Ang anim na mga menor de edad naman ay nasa kustodiya na ng municipal social welfare and development office.

Ayon kay Pulilan police chief Lt. Col. Jesus Manalo, malaki ang pustahan sa karera ng kalabaw na ito at umarkila pa ang mga suspect ng sasakyan para maisakay ang mga kalabaw para doon magkarera sa Barangay Taal.

Ang mga suspek ay dumayo mula sa Pampanga, San Rafael, San Ildefonso at Pandi sa Bulacan.

Ayon naman sa suspek na si kagawad Martin, nag-aahente lamang sila at hindi sila kasama sa mga nagkakarera.

Depensa naman ni Salvan, nag-eensayo lamang sila sa lugar para sa nalalapit na karera ng kalabaw na gaganapin sa San Rafael sa susunod na buwan at walang pustahan na nagaganap ng sila ay maaresto.

Mahaharap ang mga suspect sa kasong ilegal gambling at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here