Home Headlines Karapatan ng magulang sa pagbakuna sa anak ‘di dapat alisin

Karapatan ng magulang sa pagbakuna sa anak ‘di dapat alisin

870
0
SHARE

Si dating PACC chairman Greco Belgica nang dumalaw sa Pampanga isang araw bago ang official campaign. Kuha ni Rommel Ramos


 

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Hindi sapilitan at hindi dapat alisin ang karapatan ng mga magulang sa pagbabakuna ng kanilang mga anak kontra Covid-19.

Ito ang reaksyon ni dating Presidential Anti-Corruption Commission chairman at senatorial candidate Greco Belgica sa pagsisimula ngayong araw ng pagbabakuna sa age group na 5 to 11 kung saan ay plano ng Department of Health na ang estado ang tatayo na guardian ng mga bata na nais na magpabakuna pero ayaw ng kanilang mga magulang.

Ayon kay Belgica, siya ay bakunado at Covid survivor pero tutol siya sa plano na ito ng DOH.

Aniya, hindi dapat na sapilitan ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa halip na desisyon ng mga magulang ang masunod kung nais nila na pabakunahan na ang kanilang mga anak.

Hindi aniya dapat na i-supersede ng gobyerno ang karapatan ng mga magulang sa anak dahil ito ay labag sa moral at independence ng pamilya sa isang malayang bansa.

Ang pagbabakuna aniya ay kusa at hindi dapat na sapilitan at hindi dapat higitan ng gobyerno ang karapatan ng mga magulang sa anak.

Sinabi din ni Belgica na hindi napapanahon na iimplementa ang No Booster Card No Entry sa mga establisyemento dahil maapektuhan naman dito ang ekonomiya dahil limitado pa lamang ang mga nagpapaturok ng booster shot.

Kapag ganito ay magiging sapilitan din aniya ang pagtuturok ng booster gayong marami pa nga sa mga Pilipino ang hindi pa nababakuhan kontra Covid-19.

Sa halip aniya ay dapat na pagtuunan muna ng DOH ang pagpapaliwanag sa mga publiko ng kahalagahan ng pagpapabakuna kontra Covid-19 at maiwasan ang vaccine hesitancy.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here