Higit kanino man saan pa mang pook,
Mapa’kanayonan, bayan man o lungsod
Wala nang hihigit sa Barangay Tanod
‘In terms of physical harm by nature of work’
Ang posibleng kaharapin oras-oras
Sa pagtupad n’yan ng tungkuling marapat
Gampanan para sa kanyang komunidad
Ng naa-ayon sa ‘ting Saligang Batas
Pagkat bilang mga tagapangalaga
Ng ‘peace & order’ ay sila kaipala
Itong sa peligro laging nakataya
Ang buhay laban sa mga masasama.
Kaya tama lang si Konsehal Lazatin
Ng City of San Fernando sa naisin
Nitong maisulong ang panukalang Bill
Ni Senador Villar, na mabigyang pansin
At rekognisyon ang mahalagang papel
Na ginagampanan nitong ‘grassroots workers’
(Upang sa lubos na pagkilala natin,
Madama na sila’y mahalaga sa ‘tin).
Gasino na nga ba ang Php 1,000.00
Na ‘honoraria’ riyang ipagkakaloob
Sa bawat isa nating Barangay Tanod,
‘Compared with that of their so called nature of work?’
Kaya lang bagama’t taong 2010 pa
Ang ‘Senate Bill No. 2578’ niya,
Di pa rin umusad ‘for almost 2 years’ na
Dala ng di pagka-kuwartahan iba?
Aywan lang kung bakit ang butihing Solon
Ay di na naringgan hinggil sa Bill na ‘yon
Hanggang sa ito ay suportahan ngayon
Ng ating ‘the most outstanding councilor’
Sa ‘city government’ nitong San Fernando
Upang kahit man lang sa Siyudad na ito
Ay mabigyan na ng ganyang insentibo
Ang mga Barangay Tanod nila rito.
Na nasasaad din sa Section 393
Ng Local Government ang puntong nasabi
Kaya malamang na itong ‘world class city’
Ng San Fernando ang mangunguna bale
Sa pagpapatupad ng Bill na naturan
Kapag itong Resolution ni Konsehal
Ay naging batas sa pamaha’lang lokal
Ng lungsod matapos lang ang ilang araw.
Pagkat inapruban na ng ‘city council’
Ang panukala ni Konsehal Lazatin,
Na nakatakda ng sa Senate ay dalhin
Upang tuluyan ng maging batas ang Bill;
Na kung saan di lang ang one thousand pesos
Ang puedeng matanggap ng Barangay Tanod,
Kundi ‘health coverage’ at saka ‘livelihood’;
At ‘insurance’ pati sakali’t matigok!
Sa pagtupad n’yan ng kanilang tungkulin
Na ang kaakibat kung sila’y malasin
Ay buhay nga n’yan ang bigla na lang kunin
Ng kung sinong sira ulo kung malasing!
Mambabatas na may puso at damdamin
Para sa interes ng nakararaming
Mga ‘constituents’ ay ganyan si Lazatin
Katapat magsilbi sa kanyang tungkulin.
Na mabibilang mo sa daliri minsan
Ang katulad ni sir sa puntong naturan;
Kaya ngayon pa lang ating palakpakan
Ang isa pang dapat na maging Congressman!