Karambola ng 3 sasakyan, 8 sugatan

    720
    0
    SHARE
    BALANGA CITY – Walo ang sugatan, kabilang ang dalawang bata, matapos magsalupukan ang dalawang kotse at madamay ang isang motorsiklo sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Upper Tuyo, dito, Linggo ng umaga.

    Kinilala ni Senior Insp. Erwin Ferry, deputy police chief ng Balanga, ang mga nasugatan na lulan ng kotseng Honda Civic na  sina Katherine Vasquez, 30, Gezcel Suela, 21 at Angel Yu, 5; pawang residente ng Project 6, Quezon City.

    Sina Leslie Mercado, 18; Berlyn Cayabyab, 18, Joel Ignacio, 30 at Christopher Vitug, 4; pawang nakatira sa barangay Kaparangan, Orani, Bataan na lulan naman ng kotseng Mitsubishi RVR ay nagtamo rin ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nagalusan naman si Jonalyn Sand, 34, ng barangay Central, Balanga at nag-iisang rider ng motorsiklo.

    Ayon kay Leslie Mercado, pauwi na sila sa Orani matapos mamasyal sa Mount Samat nang mangyari ang sakuna matapos mag-overtake sa isang sasakyan ang driver nila. Maaari diumanong hindi napuna ang kasalubong na kotse.

    Agad rumisponde ang pulisya at mga kasapi ng Balanga City Paramedics. Buong tiyaga nilang hinugot ang isang biktimang naipit sa front seat ng isang sasakyan.

    Sinabi ni PO1 Leonelle Gatchalian, Balanga City police investigator, na nagkaroon ng head-on collision ang dalawang kotse bandang alas-9:10 ng umaga at nadamay ang motorsiklong tumatakbo sa shoulder ng kalsada.

    Wasak na wasak ang unahang bahagi ng dalawang kotse samantalang bali naman ang manibela ng motorsiklo na halos napaibabaw sa isa sa dalawang sasakyan.

    Sa hindi malamang dahilan, hindi mahagilap ang driver ng Mitsubishi RVR na si Mark Valenzuela ng Samal, Bataan, sabi ng pulisya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here