Home Headlines Karagdagang 366 rice retailers sa Zambales tumanggap ng cash assistance

Karagdagang 366 rice retailers sa Zambales tumanggap ng cash assistance

454
0
SHARE

IBA, Zambales (PIA) — May karagdagang 366 rice retailers sa Zambales ang tumanggap ng tig P15,000 na cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sila ang pangalawang batch ng rice retailers na benepisyaryo sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-Cash Assistance for Micro Rice Retailers na tugon ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga maliliit na negosyanteng apektado ng implementasyon ng Executive Order (EO) No. 39 o ang pagpapatupad ng price ceiling sa bentahan ng regular-milled at well-milled na bigas.

Ayon kay DSWD Regional Office III SLP Social Marketing Officer Sanne Ray Soro, mapapansin na mas lumaki ang bilang ng benepisyaryo ngayon kumpara sa unang batch na 78 lamang dahil kasama na aniya ang mga sari-sari store owners na nagcomply sa price ceiling.

May karagdagang 366 rice retailers sa Zambales ang tumanggap ng tig P15,000 na cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development. (DTI Zambales)

May 463 ang natukoy kung saan 97 rice retailers ang hindi nabigyan sa ikalawang payout sa kadahilanang nagkaroon ng discrepancies sa mga dokumentong iprinesenta at ang detalyeng nasa payroll.

Dagdag pa niya, ang iba ay hindi valid ang authorization letter at ang iba naman ay non-appearance.

Strikto aniya ang DSWD sa pag-abot ng ayuda dahil sinisigurado nito ang tamang proseso at pag-abot ng tulong para sa mga rice retailer.

Kaugnay nito, hanggang Oktubre 6 ang re payout para sa ikalawang batch habang ang naunang batch na hindi nakatanggap ay magkakaroon ng re payout kapag naibigay na aniya ng Department of Trade and Industry ang certified list. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here