Ang pananatili niya bilang talent ng GMA-7 ang best birthday gift na natanggap ni JC de Vera sa bisperas ng kanyang 23rd birthday noong Lunes ng gabi, March 9. Part-owner si JC ng Barrakz bar and restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kaya dito ginanap ang kanyang birthday celebration.
March 10, ang mismong kaarawan ng young actor.
Abot hanggang tenga ang ngiti ni JC dahil sa magandang balita na natanggap niya mula sa kanyang manager na si Annabelle Rama, na hindi siya aalis sa GMA Network at isang afternoon drama show ang gagawin niya sa nabanggit na network.
Bilang suporta kay JC, dumating sa kanyang asalto party ang mag-asawang Annabelle at Eddie Gutierrez, at ang kanilang mga anak na sina Ruffa at Raymond. Naroroon din ang Regal Entertainment producer na si Mrs. Lily Monteverde, ang mga magulang ni JC, at ang non-showbiz friends ng aktor.
Ikinuwento ni JC na ang pananatili niya sa GMA-7 ang best birthday gift na natanggap niya.
Araw at gabi raw niyang ipinagdarasal na malutas ang kanyang problema. Pero hindi nawala ang pagdududa sa kanya na baka hindi maging maganda ang resulta ng pakikipag-usap ng manager niya kay Atty. Felipe Gozon, ang President at COO ng GMA Network.
Para kay JC, timing na timing para sa kanyang 23rd birthday ang magandang pangyayari. Kahit hindi siya sigurado sa kalalabasan ng meeting, nagdesisyon si JC na ituloy ang kanyang birthday party.
“Actually, last night lang ako nag-invite. Nag-decide na ituloy natin itong party. Nag-invite na lang ako ng konting friends. Hindi ko talaga ine-expect na ganito karami [ang darating ] kaya… they love me!” natatawang sabi niya.
Ayon kay JC, para siyang natanggalan ng tinik. Matinding kaligayahan ang kanyang nararamdaman kaya talagang may dahilan para mag-celebrate siya.
“Thankful ako siyempre, kumpleto talaga lahat ng mga tao na nasa likod ko. Na isang buwan akong ganito, na lahat ng mga tao na nasa likod ko, talagang sinuportahan nila ako,” saad niya.
Inamin ni JC na iniyakan nito ang problema dahil mahal niya ang kanyang trabaho, mahal niya ang pag-arte, at mahal niya ang pagbibigay ng tuwa sa mga tao.
“Siyempre, worth it…worth it ang pag-iyak ko. Aminado naman ako . Siyempre, bata pa ako, hindi naman ako matanda. Hindi naman siya [pag-iyak] nakakabawas sa pagkalalake.
“Hindi siya simpleng problema. Kapag nawala itong work ko, parang mag-iiba na talaga ang buhay ko. So, napakalaking pagbabago, if ever mawalan ako ng work.
“Yung puso ko talaga, nasa GMA. Sila yung nag-build up sa akin. Sila yung gumawa ng pangalan ko. Hindi ako si JC ngayon kung hindi dahil sa GMA. I think kailangan ko talagang magpasalamat sa kanila dahil, siyempre, sila yung gumawa sa akin… Talagang yung puso ko nasa kanila,” pahayag ni JC.
Naayos man ang kanyang problema,walang plano si JC na makialam sa hidwaan ng manager niya at ng GMA lady executive na si Wilma Galvante.
“Ayoko na lang magsalita tungkol doon, kasi alam naman nating lahat na hindi ko naman talaga gulo ito. Nasa gitna lamang ako ng lahat. Na sa lahat ng nangyari, nagiging midlle man lamang ako.
“For the past one month na nag-aantay ako na magkaroon ng trabaho, yun ang ipinagpe-pray ko na sana magkaayos pa rin sila. Sana, maayos lahat ang mga pinag-awayan nila. Sa tingin ko ha, personally, hindi ko talaga kailangang gumawa ng malaking effort [na pagbatiin sina Annabelle at Ms. Wilma] dahil alam naman kasi lahat ng tao na mahal ko lang talaga ang trabaho ko.
“Gusto ko lang umarte. Gusto ko lang magpakita ng kung ano ang meron ako. Sa tingin ko, hindi ko kailangang gumawa ng effort, kasi parang wala naman talaga akong ginagawa kasi. Wala talaga akong ginagawang masama.”
Nadamay sa isyu ang mga GMA-7 lady executives na inakusahan na nagpasok kay JC sa kuwarto ni Ms. Wilma noong umiyak ang aktor sa story conference ng Obra (na SRO Cinema Serye na ang titulo).
Sa joint emergency presscon nina Annabelle at JC sa Max’s restaurant sa Roces Avenue, Quezon City, noong March 5, ipinahayag ni JC ang kanyang pagkadismaya dahil lumabas sa mga newspaper ang kuwento tungkol sa kanyang pag-iyak.
Ito ang pahayag noon ni JC:
“Siguro naman, hindi kabawasan sa pagkalalake ang pag-iyak. Pumasok ako sa room na ito, ayokong makasagasa ng kahit na sino kasi hindi naman talaga ako ganoon na tao. Na nagne-namedrop. Na isisisi ko ang lahat ng mga nangyari sa mga tao na nakapaligid sa akin.
“Sa sobrang frustrated ko ng araw na ‘yon, kinausap ako ng lahat ng boss [GMA 7]. Excited ako na mag-work, excited ako na umarte… Doon ako nakilala, sa ginawa ko sa Obra. So ine-expect ko na maganda ang show na ito. So, naghalo-halo na. Sobrang ano…sobrang depressed na ako…
“Kinausap ako ng lahat, parang kino-comfort lang ako ng mga tao sa paligid ko, tapos dinala nila ako sa room ni Ma’am Wilma na wala naman akong sinabi. So, nagugulat na lang ako sa mga lumalabas. Yung pag-iyak-iyak na ‘yon. Hindi ko alam, pati ‘yon idinadamay nila sa usapan, e, kung alam naman nila ang totoong nangyari.
“Hindi nila kailangang isama ‘yon. Parang pati ba yun, gagawan n’yo pa ng kuwento?” lahad n JC.
Hindi nagbanggit ng pangalan si JC, pero obvious na ang mga lady executive ng GMA-7 ang kanyang tinutukoy.
Dahil sa pahayag niya sa emergency presscon, itinanong kay JC sa birthday party nito ang message niya para sa mga tao na nagdala sa kanya sa loob ng kuwarto ni Ma’am Wilma.
“Ako pa rin si JC. Ako pa rin yung JC na nakilala nila. Na malaki ang respeto sa kanila. Ako pa rin yung JC na babati sa kanila. Na ako pa rin yung JC na parang walang nangyaring problema.
“Thankful pa rin naman ako sa kanila dahil naintindihan nila ang side ko. Hindi talaga sila nagalit sa akin. Yun din kasi ang na-feel ko. Naging very thankful ako dahil naging mabait pa rin sila sa akin,” pagwawakas ni JC.