Home Headlines Kapitolyo ng Zambales, ibinagi ang mga hakbangin vs COVID-19

Kapitolyo ng Zambales, ibinagi ang mga hakbangin vs COVID-19

1032
0
SHARE

Panayam kay Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. sa programang Network Briefing News. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)


 

IBA, Zambales — Ibinahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Zambales ang mga naging hakbangin nito sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19.

Sa panayam sa Network Briefing News, sinabi ni Governor Hermogenes Ebdane Jr. na nagpatayo sila ng sariling Molecular Laboratory upang mabilis na matukoy ang mga may infection at hindi na kailangan pang ipadala sa ibang lugar ang mga specimen ng mga sumailalim sa RT-PCR.

Maliban sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital na COVID-19 referral hospital na may 250 bed capacity at Ospital ng Sta Cruz na may 90 bed capacity ay may ipinapatayo ring dalawang Modular Structured Hospital sa pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways na kayang mag-accomodate ng 24 na katao bawat isa.

Sinabi rin ni Ebdane na bukod sa mga COVID-19 facilities sa mga bayan ay nakahanda din ang evacuation center sa sitio Buen, barangay Mambog sa Botolan na strategic reserve kung sakaling magkaroon muli ng surge sa lalawigan.

Kaugnay nito ay patuloy naman ang mga isinasagawang Antigen testing at RT-PCR sa mga close contacts ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Samantala, ipinahayag ng gobernador ang  kanyang pasasalamat sa mga natatanggap na tulong mula sa pamahalaang nasyunal.

Kabilang na riyan ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development kung saan humigit kumulang 93 milyong pisong halaga ng ayuda na ang naipapamahagi sa mga mangingisda, magsasaka, market vendors at miyembro ng TODA sa pitong bayan pa lamang ng Zambales.

Namahagi din ang pamahaalang panlalawigan ng ayuda sa may 27,907 na indibidwal na naapektuhan ng COVID-19.

Patuloy naman na hinihikayat ni Ebdane ang mga Zambaleño na magpabakuna kung may pagkakataon at patuloy na sumunod sa mga ipinapatupad na health protocols sa lahat ng oras at pagkakataon.

Nasa 95,276 na indibidwal na sa lalawigan ng Zambales ang nakatanggap ng first dose ng bakuna habang 88,627 naman ang fully vaccinated na. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here