LUNGSOD NG MALOLOS – Magkakataliwas ang pahayag at ginagawa umano ni Bulacan Gob. Joselito Mendoza na ayon sa kanyang mga kritiko ay palatandaan ng pagiging desperado.
Ito ay matapos ilabas ng Commission on Elections (Comelec) second division ang tatlong pahinang desisyon noong Martes hinggil sa election protest na isinampa ni dating Gob. Roberto Pagdanganan noong 2007, kung saan ay sinabing si Pagdanganan ang nanalo at pinababakante kay Mendoza ang kanyang puwesto.
Ayon kay Mendoza, hindi siya nababahala sa desisyon ng Comelec dahil hindi pa raw iyon pinal.
Ngunit sa kabila ng pahayag na ito, kapansin-pansin namang ikinandado ang anim sa pitong pintuan ng kapitolyo ng Bulacan noong Martes ng hapon.
Sa pahayag ni Mendoza, isa raw itong security measures dahil sa nakakatanggap siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.
Nang linawin ng mamamahayag na ito ang mga bantang natangggap ni Mendoza, sinabi niya na “uubusin daw ang pamilya namin at papasukin ang kapitolyo para i-take-over.”
Sinisi rin ni Mendoza ang Malakanyang at ang mga kalabang pulitiko sa lalawigan kaya’t napabilis pa at mas nauna pang madesisyunan ang protesta laban sa kanya kumpara sa recall petition kay Pampanga Gov. Eddie Panlilio.
Ngunit batay sa mga tala, ang election protest laban kay Mendoza ay isinampa ni Pagdanganan matapos ang halalan noong 2007, samantalang ang recall petition kay Panlilio ay isinampa sa unang bahagi ng taong ito.
“Naniniwala ako na gumalaw ang kamay ng Malakanyang sa kasong ito kaya napabilis. Its very unusual, mula lang ito ng makipagkoalisyon kami sa Liberal Party,” ani Mendoza.
Sinisi rin niya ang mag-asawang Mayor Ricardo Silverio ng San Rafael at Kint. Lorna Silverio ng ikatlong distrito.
“Ginamit nila ang kanilang impluwensiya at pera para pabilis ang election protest laban sa akin,” ani Mendoza.
Iginiit niya na nais ng mga Silverio na matalo siya sa protesta dahil sa siya ay kakandidatong kongresista sa ikatlong distrito ng Bulacan kung saan ay makakatunggali niya si Mayor Silverio na makikipagpalit ng posisyon sa kanyang maybahay na si Kint.Lorna Silverio na ngayon ay nasa ikatlong termino na.
Ipinagkibit balikat lamang ito ng kampo ng mga Silverio at sinabing naghahanap lamang ng damay si Mendoza.
“Dapat at sagutin niya ng tuwid ang protesta laban sa kanya at huwag siyang magturo ng masisisi. Bukod diyan, dapat niyang ipaliwanag kung bakit nasunog ang accounting office ng kapitolyo dalawang araw matapos ang May 14 elections noong 2007,” ani ng isang taga-suporta ng mga Silverio na tumangging magpakilala.