Kapitana ng barangay at school principal
    posibleng matanggal

    493
    0
    SHARE
    Kung totoo itong naiparating sa ‘tin
    Ng isang PTA President pa mandin,
    Hinggil sa diumano’y maanomalyang ‘deal’
    Ni Mam at ng Kapitana’y hetong amin:

    O maipapayo kina Mr. Usman
    At sa iba pa po nilang kasamahan,
    Upang makatiyak sa kung anong bagay
    Na posibleng maliwanag na sabwatan;

    Na maaring namagitan sa prinsipal
    At sa Kapitana ng isang barangay,
    Kung saan ayon sa pagkakasalaysay
    Ay walang iniwan sa ‘diversion of fund’!

    At animo’y kusang itinago kay Sir
    Ng school principal at ng barangay chair
    Ang materiales na ‘intended for repair’
    Ng eskwelahang siya ang head ng PTA;

    Na kung saan noon pa pala natanggap
    Ni Kapitana ang naturang materials,
    Pero ni ah, ni oh ay di nagpahayag
    Maging ang prinsipal sa nangyari’t sukat.

    Kundi ngayon na lang, na natuklasan na
    Ni Mr. Usman ang aywan kung ‘disgrasya’
    Na maituturing yan kay Kapitana
    O yan ay isa lang sa ‘milagro’ niya!

    Sa puntong naturan, kung ayon sa inyo
    Ya’y natanggap nila buwan pa ng Julyo
    Base na rin po sa natuklasan ninyo,
    Sila’y may intensyon na linlangin kayo.

    Gaya ng lang ng pahayag ng prinsipal
    Hinggil sa umano ay beinte singko lang
    Ang bag ng semento na tinanggap po n’yan
    Ya’y maliwanag na kasinungalingan;

    Kung ilan talaga ang ‘bags of cement’ na
    Natanggap ni Madam at ni Kapitana,
    Kung ayon sa huli ay nasa singkwenta
    Ang ‘physical count’ ng sementong dinala.

    Ng ‘supplier’ o ng naghatid po mismo
    Ng materiales na ‘itinago’ sa inyo
    Ng Kapitana at ng prinsipal ninyo,
    Sa di matukoy na klase ng motibo;

    Liban sa ya’y baka pinag-intirisan
    Nilang kwartahin o gamitin na lamang
    Para sa personal na pangangailangan
    Ni Kapitana at ng school principal!

    Naitanong na rin lang ninyo sa amin
    Kung ano ika n’yo ang marapat gawin,
    Una, ay dapat muna n’yong siguruhin
    Kung sinong tumanggap at kailan dumating.

    At ya’y malalaman ninyo sa tanggapan
    Ng departamento o kagawaran man
    Ng tamang ahensya ng pamahalaan
    Na nag-susuplay ng mga kagamitan;

    Na hiningi ninyo o ni-reqest mula
    Sa DepEd at iba pang tanggapan kaya;
    Gaya nitong opisina halimbawa
    Ng ating Pangulo na minsa’y may kusa.

    At kapag kumpleto na ang lahat-lahat
    Ng evidence laban sa dalawang corrupt,
    I-file n’yo na sa Ombudsman ang marapat
    Na kaso at sila’y suspendihin agad;
    (And if found guilty of any unlawful act:
    Ikulong at huag nang hayaang lumabas!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here