ISA SA pinaka- importanteng bagay
na nabuksang isyu at/o natalakay
sa isinagawang pulong pambarangay
nitong isang Lunes lang na nakaraan
Na ginanap d’yan sa ‘Kingsborough Convention
Center,’ at kung saan ang ating Governor
Lilia ‘Nanay Baby’ ang pinaka-punong
abala, kasama sina B.M. Henson
Ms. Angie Blanco at PNP officials
na kwenta nag-host sa okasyong naturan
para magbigay ng mga mahalagang
punto ‘re war on drugs’ ng pamahalaan
Ay dili’t iba ang bagay na nasabi,
na haya’t patuloy pa rin ang pagdami
ng mga ‘pushers’ at gumagamit pati,
sa kabila ng kampanya ng PNP
At ‘National Bureau of Investigation’
para mapigil ang di lang kilo-kilong
iligal na drogang ang halaga’y milyons
(gaya ng naipasok sa ‘Bureau of Customs’
At upang tiyak na lubos maagapan
ang posibleng dito sa’ting lalawigan
maipasok basta ng mga kriminal,
kaya nagtawag na ng ‘meeting’ si ‘Nanay?’
Kung saan halos iisa ang suhestyon
ng mga ‘speakers,’ at kung papaanong
posibleng maharang pawang epektibong
pamamaraan ang marapat isulong
Partikular ang kay Gob na panukala,
kung saan aniya ang pinakamabisa
na pag-’monitor’ ay marapat magmula
sa ‘grass roots’ ang aksyong dapat isagawa
Dahilan na rin sa una sa lahat na
ay itong barangay offi cial talaga
ang may alam at s’yang nakakakilala
sa nasasakupang kabarangay nila.
Gaya halimbawa ng nangungupahan
o bagong salta lang sa ating barangay,
obligahin natin ang may paupahan
na ireport dapat sa barangay chairman
Kung sinu-sino yan at kung saan dating
nangupahan at/o probinsya nanggaling,
‘with matching NBI at Police clearance’ din
na dapat ‘intact’ sa ‘records on file’ natin.
Sa ganyang paraan madaling matukoy
ng bawat barangay chair ang mga taong
sa kanilang lugar nakatira ngayon,
nang di mangapa ng karayom sa kugon
Sakali’t gumawa ng kabulastugan
ang sinumang dayo sa kanyang barangay,
gaya ng kay Kagawad nangupahan
na ‘pusher’ pala ng shabu ay di alam
Upang di matulad sa isang ‘Engineer’
na kakilala ko, muntik ng mapraning
nang itong si Ponga at kapwa Intsik din
na nangupahan lang sa kanya ay dakpin
Ng mga pulis at ng NBI yata,
nang basta na lamang pasukin ng bigla
ang umano’y ‘warehouse’ na nirentahan nga
kay ‘Engr. Silva nitong sina Seng Hua
Aywan lang kung ano ang kinahantungan
ng kaso, kung saan ang ating kabayan
ay posibleng sangkot sa pangyayaring ‘yan
at makulong kahit walang kinalaman?!