Kapatid ni Angelika Dela Cruz todas sa aksidente

    439
    0
    SHARE
    PAMPANGA—Patong-patong na kaso ang haharapin ng driver ng delivery truck na sumalpok at nakapatay sa nakababatang kapatid ng aktres na si Angelika Dela Cruz, habang ito ay naglalakbay sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) kamakalawa ng madaling araw.
    Ang suspek ay kinilala ni Supt. Baltazar Mamaril, tagapagsalita ng Central Luzon Regional Police Office na sina Richard Coronel y Salunson ng Tarlac.

    Si Coronel ay nahaharap sa mga kasong homicide, physical injuries at damage to property matapos salpukin ng kanyang minamanehong Forward farm delivery truck na may plakang RCV 503, ang Nissan Urvan na may plakang ZAV 156 ni Edward Dela Cruz, 28 ng Malabon City.

    Si Dela Cruz  ay idineklarang dead on the spot matapos salpukin ng delivery truck ang kanyang Nissan Urvan sa kilometer 58 ng south bound lane ng NLEX na nasasakop ng bayan ng San Simon bandang ika-5 ng madaling araw kahapon.

    Si Dela Cruz  na bagong halal na konsehal ng Malabon City ay nakababatang kapatid ng aktres na si Angelika Dela Cruz.

    Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nasa southbound lane ng NLEX si Edward ng salpukin ng truck na minamaneho ng suspek.

    Dahil dito, nadamay din ang Kia Besta van na may plakang  UAE 668 ni Victoriano Maliwat y Cruz na sakay ang 14-anyos na si Carlo Mangila.

    Sina Maliwat at Mangila ay kapwa nasugatan at agad na isinugod sa Calcutta Hospital sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

    Ayon sa pulisya, pasakay ng kanyang sasakyan si Edward matapos magpalit ng gulong na na-flat ng salpukin ng truck ni Coronel.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here