Ayon kay Angelo Araja, isang seminarista. galing sa iba’t ibang simbahan ang ipinamudmud na pagkain at hangad na makatulong sa mga mahihirap na kababayan na umukopa sa mga pabahay ng gobyerno.
Ang simbahan aniya ang nanguna kasama ng ilang Protestant group sa pangangalap ng pondo sa pagkaing ipinamahagi.
Nagdaos din ng isang programa ang Kadamay na kung saan ay naging tagapagsalita ang mga pari at pastor na humihimok sa pamahalaan na ituloy- tuloy na ang pagpoproseso sa mga bakante pang bahay na walang umuokupa sa lahat ng pabahay ng gobyerno.
Hinimok din ng mga taong simbahan ang mga tao na ituloy lang laban at ang naunang tagumpay ay simula pa lamang ng pakikibaka upang mabigyan ng disenteng tahanan ang mahihirap na wangis din ng Dios.
Dumalo rin sa programa si Bayan chairman Renato Reyes, at ACT Partylist Rep. Antonio Tinio.
Nagmistulang victory program ng Kadamay ang pagtitipon matapos hindi ituloy ng NHA ang eviction para sa kanila.