BALANGA CITY, Bataan – Kung tumakbo, magdribol at umagaw o magbuslo ng bola, wari’y mga normal na manlalaro ng basketball ang bumubuo sa dalawang koponan na naglaban noong Martes ng hapon sa Bataan People’s Center dito.
Ang hiyaw nila, ang lagapak ng mga paa sa hard court ay nagpakita na masaya sila sa paligsahan at marubdob ang paghahangad na ang team nila ang magwagi bagama’t hindi nawala ang sportsmanship.
Subalit kung pagmamasdang mabuti, ang mga manlalaro ay may putol ang kamay, maliit ang isang binti, may artificial leg at may iba pang kapansanan tulad ng bulag ang isang mata at may hearing impairment (mahina ang tainga).
Ilan sa mga masayang nanood ay ang katulad din nilang mga may kapansanan tulad ng naka-wheelchair at iba pa.
Isang manlalarong may isang maliit na binti dahil sa polio ang pinulikat ang kanang binting walang diperensiya at namimilipit sa sakit na napahiga sa kasagsagan ng laro. Mabilis naman siyang tinulungan ng taga-Red Cross at ilang mga rescuers na nakabantay.
Ang may artificial leg na may10 taon ng naputol ang kanang paa sa panahon ng trabaho ang nagsabing hindi naman siya nahihirapan sa paglalaro ng basketball.
Ang larong basketball ay isa sa mga aktibidad na inilunsad ng Provincial Social Welfare and Development Office sa ilalim ni Marilyn Tigas upang ipamalas na ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi hadlang upang maging masaya at produktibo.