KUNG SADYANG si city councilor Morales
Nitong maunlad na lungsod ng Angeles
Ay nakapag-fi le ng SOCE sa Comelec
Within the given time or specific date
At si Comelec Election Supervisor,
Atty. Lobo ng naturang Komisyon
Ang nag-isyu mandin ng certification
Na nakapag-comply ang beauteous councilor
Nitong anila’y Statement of Election
Contributions saka naging Expenditures
or SOCE in an offi cial Comelec form
Ay walang marapat sisihin kung gayon
Kundi ang Comelec na rin sa puntong yan
Kung tunay ngang itong si Konsehal ‘Marang’
Ay nagsumite sa kinauukulan
Ng kanyang SOCE na ‘she personally signed’
Kung saan ang city Comelec officer
Ay nirebisa n’yan ang kanyang ‘statement’
At siniguro na ang porma ay ‘proper,’
Ano’t problemado ngayon si Maricel?
At natural lang na dismayado siya
Sa Comelec, ngayong ang pangalan niya
Ay mapabilang sa listahan kumbaga
Ng mga opisyal na sentensyado na
Ni Sixto Brillanes para lisanin n’yan
Ang tanggapan nila sa kabahilanang
Di nagsumite ng bagay na kailangan
Nitong Comelec sa itinakdang araw?
Kung tunay ngang sila ay di nagsumite
Sa takdang panahon ng kanilang SOCE,
Eh bakit nitong buwan lamang ng Disyembre
Kinwestyon ni Sixto ang isyung nasabi?
Yan sa ganang akin ay masasabi kong
‘Abuse of power and authority’ nitong
Commissioner mismo ng Comelec ngayon,
Ang di pag-conduct ng due investigation
Bago ginawa n’yan itong marahas na
Aksyong marapat ay inimbita muna
Ni Sixto ang lahat pati si Pampanga
2nd District Congresswoman Madam Gloria
Kabilang na r’yan si Apalit councilor
Jed Dalusong at dalawa pang councilors
Na sina Pelayo at Sombillo nitong
Popular sa ibon nating Candaba town.
Kasama pati ang kuatro syentos beinte
Na mga opisyal din namang kasali
Sa inuutusan ni Sixto (kung puede)
Ang ‘seat of offi ce’ nila ay ibakante.
Aywan lang kung tulad ni “Marang” Morales
Ay pawang umalma laban kay Comelec
Commissioner na si sir Sixto Brillantes,
Dahil nag-comply din sila ‘as mandated’.
At bilang tugon sa ipinalabas
Na kautusan ni Brillantes, sumulat
Na yata itong si Lobo kay Mar Roxas
Nitong DILG ‘stating compliance’
Of said city councilor ‘Marang’ Morales
With the law (as prescribed by our Comelec)
As Lobo assured her that he will do the rest
To vouch for her due compliance as requested.
At sana rin naman ang ating Komisyon
Para sa halalan ay suriin nitong
Mabuti ang isyu bagong n’yan isulong
Ang anuman upang di matawag itong
Komisyon anila nitong kunsumisyon
Imbes ika nga’y Commission on Election;
(Na tuwing halalan ay kung anu-anong
Pintas sa kanila ang laging maugong!)