Kanya-kanyang pautot ang mga babae sa buhay ni Manny Pacquiao

    499
    0
    SHARE
    Kanya-kanyang pautot sina Jinkee Pacquiao, asawa ni Manny, at ang nanay nitong si Aling Dionisia.

    Si Jinkee, feeling beautiful na nagpabola pa kay Vicky Belo na gianwa nga siyang endorser ng klinika nito. If I know, wala naman siyang bayad and at the most, baka siya pa’ng nagbigay ng malaking halaga kay Vicki para nga kunin siya. Masalita rin si Jinkee, na kuwento nang kuwento ng mga bagay bagay. Kumbaga, akala mo talaga, very influential na siya pagdating sa mga bagay sa showbiz.,

    Imagine, ang lakas ng loob niyang manlait at maglabas ng sama ng loob kay Ara Mina na nagparatang na kesyo ganyan at ganito. Ang hindi niya alam, sa pagsasalita niya, si Manny Pacquiao ang apektado dahil ito ang tunay na celebrity. Si Jinkee kasi, sampid lang, kaya dapat na gumalaw siya nang nararapat sa estado niya bilang dyowa ng boksingero.

    At si Aling Dionisia, kyaw nang kyaw. Hige, akala mo nakawala sa hawla na nagayon pa lang nagdadalaga. Aba, mag-birthday ka ba namang akala mo isa kang debutante na kuntodo, 18 roses at 18 candles pa, di ba parang tumanda siya nang paurong?

    Anyway, ito palang dalawang babaing ito sa buhay na Manny ay magkaaway na karnal. Hindi magkasundo, kumbaga. Sila yung asawa at biyenan na parang teledramang lagging nagbabangayan.

    Sa mga kuwento ni Jinkee noon, kontrabida si

    Aling Dionisia na aniya’y sobrang pakialamera. Na noong nakikitira pa lang sila sa bahay nito, laging parang mga aso’t pusa na sila.

    Pero teka, tahimik pa si Aling Dionisia, wala pang sinasabing anuman laban kay Jinkee.

    Hintayin kaya nating magbukas si Aling Dionisia ng kanyang bunganga para mabuking naman natin kung gaano kasama’ng ugali ng Jinkee Pacquiao na ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here