Home Opinion Kamay na bakal ang dapat

Kamay na bakal ang dapat

830
0
SHARE

KUNG ganyang sinuman yata ang ipuesto
sa Customs ng ating mahal na Pangulo
ay laging ‘in & out’ sa pagka-destino
bilang ‘chiefs of office’ ng ahensyang ito

Bunsod na rin nang di nabigyan ng sapat
nitong magagaling nating otoridad
ang mas epektibong pagtutok sa lahat
na ng mga bagay na labag sa batas.

At kung saan sila’y pinagdududahan
na nalagyan kaya ito ay malayang
kina ‘commissioner’ at mga galamay
na naipasok nang di nasita man lang.

May posibilidad na ya’y nangyayari
at di rin malayong may kasabuwat pati
ang mga damuho’t lintik na ‘consignee’
diyan sa tanggapn mismo ng BoC.

Eh, bakit nga hindi kung pakaisipin
nating mabuti at tapunan ng pansin
itong sa tungki nga ng ilong pa mandin
ng hepe direktang naipupuslit din.

Sa puntong ito ay wala na sigurong
mainam na gawin si Pangulong Digong
kundi ang kamay na bakal ang isulong
upang maibsan ang ganitong situasyon.

At para maputol ang grabeng suhulan
(sa Customs) at ibang pang katiwalian
na namamayani sa kasalukuyan,
ikulong ang kahit sinong mahulian.

At di ningas-kugon ang pagpapatupad
sa pinag-uutos ng Saligang Batas
ang dapat gawin ng mga otoridad
upang magkaroon ng takot ang lahat

At di komo mga ‘high ranking officials’
Senators, Justices at mga Congressman,
sila ay absuelto sa kaparusahan
kung ang kasangga ay taga Malakanyang

Pagkat pati na ang Pangulo, di ligtas
sa ‘impeachment’ at/o pagkasipa, kapag
nagkamali siya ng tinahak na landas,
base na rin sa’ting panuntunang batas.

Bunsod na rin nitong kahit sino pa man
kasama pati na nga ang Pangulo riyan
ay dapat sundin ang tamang kalakaran,
sabihin man nating may ‘immunity’ yan.

Since no one is above the law or paramount
In any case before our judicial courts,
For even a chief executive at its most
Must respect and follow our existing laws.

At upang si Sir ay hindi mapintasan
sa pagiging walang preno niya minsan
sa salitang kanto, (na kahit biro lang)
‘yan ay dapat na niya sigurong lubayan.

Sapagkat di lahat ay magkapareho
ng pang-unawa at pagtanggap nito
sa sinasalita niya sa publiko,
na iba’ng dating sa mapanuring tao.

Aywan lang at tila ba nakasanayan
na ni Presidente ang estilong ganyan,
gayong batid niyang siya’y napipintasan
nitong iba’t ibang sector ng lipunan.

(‘A piece of advice, Sir’ kung mamarapatin
ng inyong pagiging Pangulo po namin:
Sana…ang biro n’yong di okey ang dating
sa kababaihan atin nang itigil!)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here