Sa front page ng Punto! noong January 15, 2010, puro patayan ang balita. Pito sa Bulacan, apat sa Nueva Ecija at isa sa Mexico. Ukol naman sa malakas na lindol sa Haiti, hinihinalang 500,000 na katao ang namatay.
Ang saklap namang salubungin ang bagong taon ng mga balita ukol sa kamatayan. Tama si tukayong Atty. Bong Roque, mainam pa nga na huwag na lang magbasa ng dyaryo kung puro ganito na lamang ang ating aalmusalin.
Kaibigan ko ang namatay sa Mexico. Kababata at naging dating kasintahan pa ng aking ate. Palibhasa ay palikero, hindi sila nagkatuluyan, pero sa kabila noon ay nanatili ang aming pagiging magkaibigan.
Sa balita, sinabi ni Central Luzon Police Director Leon Nilo dela Cruz na walang kinalaman ang pulitika sa pagpaslang dahil ang namatay ay sumusuporta kay Noynoy sa pambansang panguluhan at wala raw kasanggkot na local na pulitiko.
Hindi pa man nag-uumpisa ang imbestigasyon ay may ganto nang haka-haka? Ang hindi alam ni dela Cruz, maraming local na pulitiko ang kumausap at humikayat sa namatay upang umanib sa kanilang panig at alisin ang suporta kay Noynoy.
Ito ay mariing tinanggihan ng namatay at sinabing ang kanyang napupusuang kandidato na magbibigay ng makabuluhang serbisyo sa bayan ang kanyang susuportahan at ipagkakampanya, kabilang na ang lahat ng local na kaanib sa Partido Liberal.
Kung may kinalaman ang pagtangging ito upang supilin ang mga nagboboluntaryo para sa Partido Liberal ay haka-haka rin sa panahong ito na hindi pa sapat ang mga ebidensya at motibo.
Mariin ding sinabi ni dela Cruz na marahil ay may kinalaman ang Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na dating kinasasangkutan ng namatay.
Pero mahigit nang sampung taon na hindi kaanib ng grupong ito ang namatay. Mahigit na ring sampung taon na siya ay nabubuhay nang payapa at malaya na hindi naman binigyan ng kaparusahang kamatayan.
Hindi ko masagot kung ang grupong ito nga ang may kinalaman. Una, aakuin nila ito kung totoo man. Kung pagbibintangan naman ang RHB sa panahong ito, ito ang malinaw na haka-haka.
Nakakalungkot lamang isipin na sa sarili pa niyang bayan namatay ang aking kaibigan. Malayo ang Mexico sa Maguindanao.
Ang sunod-sunod na patayan sa bayan ng Mexico na hanggang ngayon ay hindi nareresolba ay magpapahina sa kaayusan nito at sa sinasabing tunay na progreso.
Nakita ko si Dinky Soliman, ang dating kalihim ni GMA na sumapi sa Hyatt 10 at isa nang sumusuporta kay Noynoy, sa lamay ng namatay. Bakas sa mukha niya ang panghihinayang sa kamatayang tinamo ng isang masigasig na taga-suporta. Nagtataka rin siya kung bakit ang mapayapang Pampanga ay nagkakaganito sa panahong ito. Sana raw ay hindi ito magdulot ng pangamba sa mga gustong sumuporta kay Noynoy. Ang sabi ko ay baka nga dumami pa.
Sa kamatayan ni Ninoy nailuklok si Cory. Sa kamatayan ni Cory rin napili bilang kandidato ang anak na si Noynoy. Tulad ng dalawang kamatayang ito, ang kamatayan mo Kaibigan ay magkakaroon ng kabuluhan.
Ngingiti ka sa langit sa Mayo 2010.