Personal food assistance nina 3rd District Rep. Ria. Vergara at kanyang pamilya sa ilalim ng programang Kalinga sa Distrito. Larawan sa social media
BONGABON, Nueva Ecija – Inilarga na rin ni 3rdDistrict Rep. Ria Vergara at Cabanatuan City Vice Mayor Julius Cesar Vergara ang kanilang personal food assistance program sa ilalim ng “Kalinga sa Distrito”.
Sa ulat ng tanggapan ng mambabatas, kasalakuyan nang namamahagi ng tig-10 kilong bigas bawat pamilya sa ikatlong distrito ang Kalinga.
“Nitong ika-17 hanggang 18 ng Abril, bayan ng Bongabon ang nabigyan ng simpleng handog para sa kanilang mga ka-distrito,” ayon sa ulat ng tanggapan.
Ang ikatlong distrito ay kinabibilangan ng Palayan City, Cabanatuan City, at mga bayan ng Gabaldon, Laur, Bongabon, Gen. Natividad, at Santa Rosa.
Ayon pa rito “hangad ng Pamilya Vergara na ang tulong na ito ay makapag-abot nawa ng kasiyahan sa ikatlong distrito.”
Nakiusap naman si Vergara sa publiko na makipagtungan sa pamahalaan sa gitna ng kinakabakang krisis dulot ng coronavirus diseaseupang “sama-sama nating malampasan ang pagsubok na ito sa lalong madaling panahon.
Kinilala rin niya at pinasasalamatan ang mga lokal na pamahalaan, barangay officials and workers at mga volunteers mula sa mga pribadong sektor na tumutulong sa pamamahagi ng Kalinga sa Distrito.
Samantala, isang 56-anyos na babae na nagbiyahe noong April 3-4, 2020 sa Divisoria at namatay nitong ika-19 ng kasalakuyang buwan ang pinakahuli na nakumpirma na Covid-19 sa Nueva Ecija nitong Linggo, ayon sa Nueva Ecija inter-agency task force.
Siya ang naging pang ika-42 na confirmed Covid-19 case at ikatlo sa mga binawian ng buhay dahil sa nasabing virus sa Nueva Ecija.