Kalbo tinubuan ng buhok

    410
    0
    SHARE

    MARAMI ang nagulat sa singer/songwriter/TV host na si Abby Asistio nang dumalo ito sa press launch ng Novuhair Topical Scalp Lotion dahil may tumutubo nang buhok sa kanyang ulo.

    Abby is the daughter of former actress Veronica Jones na kapatid ni Jacklyn Jose. Pinsan niya bale si Andi Eigenmann at open book naman na ang ama niya ay ang dating mayor ng Caloocan na si Boy Asistio Sa showbiz, open book din na may sakit si Abby na alopecia na ang ibig sabihin ay “hair loss or baldness”.

    Four years old lang siya nang dapuan ng nasabing sakit kaya nakagisnan na nga namin siyang kalbo and in fairness, bagay sa kanya.

    Last March lang nagsimulang gamitin ni Abby ang Novuhair at ang bilis ng epekto nito dahil may buhok na siya ngayon na simula nang bata siya ay hindi niya naranasan. “Ikinahiya ko po talaga ’yung kakulangan (ng buhok) na ’yun na hindi ko po pinapakita kaya po ako nagsusumbrero at nagwi-wig while growing-up,” pagre-recall ni Abby sa entertainment press at the Novuhair’s press launch.

    “Pero last year po, napagdesisyunan ko na hindi ’yun hadlang sa anuman ang gusto kong gawin sa buhay na ibig sabihin, I’m less than everyone because I don’t have hair.”

    Ayon pa kay Abby, talagang inakala niya na hopeless na ang kaso niya at forever na siyang magiging kalbo kaya nga ini-imagine na niya na kapag ikinasal siya someday, naka-wig din siya. “Kaya nu’ng nasimulan kong gamitin ’yung Novuhair, sa totoo lang po, I really had no expectations.

    Ginamit ko po officially March (2013) kasi December ako kinausap ng mga taga-Novuhair so March lang ako nag-start hanggang ngayon ginagamit ko po at heto, may buhok na ako after fi ve (5) months,” masayang kuwento ni Abby.

    Well, bilang bagong brand Ambasador ng Novuhair Topical Scalp Lotion: Nature’s answer to hair loss, masasabi naming perfect na perfect si Abby to endorse the product dahil mismong sa kanya ay epektibo ito.

    Kung baga, siya ang living testimony kung gaano kahusay ang nasabing produkto.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here