Kalbaryo ng mga taga Botolan

    457
    0
    SHARE
    Hanggang kaILan mananatili sa mga evacuation center ang may 5,000 pamilya sa labing-isang Barangay sa Botolan, Zambales na naapektuhan sa malawakang pagbaha nitong nakaraan Agosto.

    Ang ilan sa kanila ay wala ng babalikan tahanan mayroon man malaking gagastusin. Umaasa na lamang ito sa mga ibinibigay na relief sa mga ibat-ibang organisasyon na mapagkawang-gawa at pinagkakasya na lamang ito bago pa man dumating ang kasunod na relif goods.

    Isa sa nakapanayam ng CASTIGADOR, kanyang sinabi na iba talaga ang pamumuhay sa sarili mong bahay, di tulad sa evacuation center na ibat-ibang tao ang nakakasalamuha nila sa araw-araw ang ilan aniya lalo na sa mga bata ay nagkakasakit maging ang ilang matatanda ay mga tinatamaan ng ubo, sipon at lagnat dahil sa halos magsisikan sila sa evacuation center.

    Bagamat anila may mga ilang gamot tulad ng Ati-Biotic at Paracetamol na ibinibigay sa mga nagkakasakit ay hindi ito sapat para sa dalian paggaling ng mga ito.

    Sinabi pa ng mga evacuees na sumikat man ang araw, ay wala na silang babalikang bahay dahil sa inanod na ito ng malakas na agos ng tubig, ang ilan naman may babalikan man, lubog naman ito sa napaka-kapal na putik at malaking halaga ang gagastusin sa pagpapagawa nito.

    Ayon naman kay Botolan Mayor Rogelio Yap, matatagal pa ang pagkumpuni sa nawasak na dike sa Bocao River dahil sa napaka lakas ng tubig na umaagos mula doon, sa halip aniya sa ilog dumaan ang tubig ay na-divert ito sa mga Barangay.

    Idinugtong pa ng alkalde na walang pondong nakalaan mula sa National Government para sa pagkukumpuni sa nawasak na dike kung kaya matatagalan pa ang gagawing rehabilitasyon nito at batay sa pagtaya aabot ito sa Php200 milyong halaga.

    Sa kabilang dako, patuloy naman ang ginagawang pagkumpuni ng ZAMBALES DPWH sa nawasak na kalsada sa Barangay Carael, na una ng nilagyan ng tulay para makaraan lamang ang mga biyahero na nagtutungo ng Northen Zambales, pero nawasak din ang magkabilang approach ng tulay ng muling manalasa sa Zambales ang bagyong MARING  ng tangayin ito ng malakas na agos ng tubig dahil ang TIBAY po kasi ng pagkakagawa nito. He he he.

    Tanong ng mga ZAMBALEÑOS hanggan kaalian sila mananatili sa mga evacuation center na sa tuwing uulan nakakaramdam sila ng takot at kaba.

    Panawagan ng mga ito madam, President GLORIA MACAPAGAL-AROYO sana naman makumpuni na ang dike bago magtapos ang inyong termino.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here