KALASAG AWARD
    PDMO-Bulacan, Hall of Famer na

    323
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY- Hall of famer na ang Bulacan Provincial Disaster Management Office (PDMO).

    Ito ay matapos tanggapin ng PDMO sa ikatlong sunod na taon ang Regional Kalasag Award sa isang seremonya na isinagawa sa Kampo Olivas kamakailan.

    Ang Kalasag o “Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing Kaligtasan Award” ay ang pinakamataas na pagkilalang ibinibigay sa mga Disaster Coordinating Councils sa buong Pilipinas.

    Bukod sa pagkilalang pang-rehiyon, tumanggap din ang PDMO-Bulacan sa national level bilang Best PDCC-First Runner-up kung saan hinihintay na lang ang iskedyul para sa awarding ceremonies.

    Ayon  kay Liz Mungcal, pinuno ng  PDMO, ang parangal ay nagpapatunay ng patuloy na pangunguna ng lalawigan sa pagtataguyod ng mga programang may kaugnayan sa disaster management.

    Nagpasalamat din si Mungcal sa pakikiisa ng ibat-bang rescue group sa Bulacan na kanilang nakatuwang sa pagtugon sa ibat-ibang emergency.

    Bukod dito, nakatulong din ng PDMO sa mga rescue groups sa lalawigan sa pagtuturo sa mas maraming Bulakenyo upang higit na mas maging handa sa mga kalamidad.

    Ayon sa Regional Disaster Coordinating Council (RDCC),  nagsisilbing inspirasyon sa buong bansa ang pagkakatayo ng Bulacan 566 na sentro para sa koordinasyon at disaster response management sa lalawigan.

    Hinahangaan din ang  Community-Based Flood Mitigation  and Management Program para sa kahandaan sa kalamidad.

    Bukod sa  Hall of Fame Award ng PDMC, ginawaran din  ng RDCC  ng Plaque of Recognition ang 566 Bulacan Rescue Group at Bulacan Integrated Rescue Association (BIRA) para sa humanitarian assistance na kanilang ginawa sa lalawigan ng Pangasinan sa kasagsagan ng Bagyong  Ondoy at Pepeng.

    Binigyang pagkilala din  ang Bulacan Rescue 117 bilang Best Non-Government Emergency Responder ng RDCC.

    Samantala,  tiniyak ni Gob. WilhelminoAlvarado na kanyang bibigyan ng suporta ang mga programa ng PDMO sa pamamagitan ng pagkakaloob ng karagdagang   ambulansya at bumbero. Ito ay upang masigurado ang kaligtasan ng mga mamamayan sa panahon ng emergency.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here