Home Headlines Kailangan pa bang magpabakuna?

Kailangan pa bang magpabakuna?

473
0
SHARE

SA ganang personal at aking sarili
na ring paniwala kung bakit marami
itong noon pa man hangga’t maaari
di nagpabakuna ya’y di masisisi.

Dahilan na rin sa marami-rami rin
namang nagpa- ‘inject’ kontra Covid-19,
nadedbol gaya nang nangyari sa aking
bayaw na kapatid ng misis kong giliw.

Napilitan siyang kumbaga’y sumunod
sa kung anong bagay na ipinag-utos
ng PhilHealth, kung saan ang di magpaturok
nito di pupuedeng mag-‘over the bakod’.

O lumabas man lang ng kanilang bahay
kaya natural lang na itong sinumang
takot di sumunod, pikit mata silang
nagpaturok nitong bakunang naturan.

Araw ng Lunes nang magpa-bakuna siya,
kinabukasan ay iba na’ng aura niya;
nanlalata’t hirap itong makahinga,
namatay siya nang Mierkoles ng umaga.

Posible rin namang nagkataon lamang
ang insidente ng kanyang pagkamatay,
ngunit hindi natin mapasubalian
na baka tama ang ating hinala riyan.

Sa ngayon ang ating ikinatatakot
ay ang balita na baka itong gamot
imbes panlaban yan sa nasabing ‘virus,’
kabaligtaran ang maaring idulot

‘Expired’ na ayon sa balitang lumabas
itong bakuna na noon pa inangkat
ni Duque at mga kadaupang-palad
sa D. O. H. kaya itapon na dapat.

At huwag nang pilitin pang magpabakuna
ang ayaw isugal ang buhay sa di nga
malaman kung alin ang bago at luma
sa ‘over stock’ na nabiling bakuna.

Kasi kung wala rin namang katiyakan
na ang bakunado’t nagpa’buster’ na riyan
di na makahawa o maaring tablan
ang nagpaturok na ipatigil na yan.

Ang ating Pangulo, di ba’t nagka-Covid
na rin at naratay sandali, at kahit
nabakunahan na, ya’y tinablan ulit
kaya marapat lang ng huwag nang igiit.

Para ipag-utos ng ating gobyerno
na ituloy r’yan ang pagbakunang ito,
lalo pa’t may taglay din namang peligro,
ya’y kailangan na ngang ihinto siguro.

Ang R.A. 11525, kabayan
sa isyu ng Covid, ‘unconstitutional’
na ipairal ang sinasabi nilang
ang lahat marapat magpabakuna riyan.

Lalo ngayong halos batid na ng lahat
na ang iba nito matagal nang ‘expired,’
at tayo ay hindi rin nakatitiyak
kung alin ang hindi na iturok dapat.

Nasa atin bilang isang Pilipino
ang tayo’y pumalag sa di natin gusto,
republika’ng uri ng ating gobyerno,
na may kalayaang pumili ang tao! ~

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here