Kailan, saan at paano raw tinalo ng game show ni Pacquiao ang Wil Time Bigtime?

    334
    0
    SHARE

    Tinalo pa raw sa rating ng game show ni Manny Pacquiao ang kay Willie Revillame na Wil Time Big Time sa initial telecast nito.

    Hahaha!

    Tell that to the marines, ayaw ng ABS-CBN nang ganyan. Siguro nga, lahat, tinalo ni Manny, kung sarili nilang research organization ang ang palabas ng survey. Bakit, kalian ba nahuli ang mga shows ng GMA 7 sa rating?

    Sa true lang, sila mismo ang nagsa-survery kaya natural lang yung sabihin nilang number one sila sa rating.

    Pero totoo ba, mapapatunayan ba nila? May record na ba sila? Hahaha!

    Not in the case of Wil Time Big Time. Consistent rater sila at kahit walang research back up, it is so much easy to tell, top rater ito at magtatagal sa ere.

    E ang kay Manny Pacquiao, hanggang kaikan kaya?  Mapapangatawanan kaya nila’ng maglabas ng malaking premyo? May game show na bang nagtagal ang GMA 7? At kung pera ni Pacquiao ang ipinamimigay, hanggang kailan kaya?  Hanggang maghirap siya?

    The problem with the game show of Manny Pacquiao, dami satsat, yabang ng arrive. Kesyo bilyonaryo si Manny, pero kaya kaya niyang mamigay?

    Aber nga, tanungin nga natin ang mga constituents niya sa Saranggani, marami kayang naghihirap?

    Kung kami ang staff ni Manny, di na kami dadayo pa para mamigay. Di na kami maghahanap ng ibang mabibiyayaan, sa Saranggani pa lang, dami na ng nangangailangan ng tulong.

    Pero kailangan pa ba sila ni Manny sa 2013 election e sa true, senador na ang tatakbuhin ni Manny. Kaya nga nagpapabango nang todo ng image, dahil namumulitika na nga siya.

    Di ba, Wally Peralta?

    And speaking of Willie Revillame, tuloy ang kanyang pamamayagpag. Tuloy ang ligaya sa Wil Time Bigtime dahil galling sa puso ang pagtulong sa mga nangangailangan.

    Ganyan din kaya ang GMA 7?

    Ang sagot, hindi!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here