Kung noon, anhin na lang ay maisulong
Ang pagpapatalsik kay Gob sa Capitol,
Ng kung anong grupo sa paraang “recall”
O pagdaraos ng “special election;”
Na di nagmateryal at nabale-wala
Dahil sa ilang bagay na teknikal yata;
Pero sa kabila ng nausyaming tangka,
Sa “recount” nabaling ang pagpapababa.
Na umusad naman, at kung saan si Gob
Ay tila dumanas ng katakutakot
Na kahirapan sa pagiging “underdog”
Sa lahat ng bagay, lalo sa pang-gastos;
Para sa “watchers” at iba pang kasangga
Ni Among Ed habang ang mga balota
Ay matamang sinusuri’t nirebisa,
Ang para talaga kay Lilia Pineda.
At gaya ng inaasahan ni Among,
Bunsod ng hinalang “bias” yata itong
“2nd Division” ng Comelec sa puntong
Pagbasura n’yan sa kanyang mga “Motion,”
Na mabigyan siya ng “extension of time,”
Upang makakalap ng perang kailangan
Para sa gastusin, ngunit tinanggihan,
Kaya di malayong ang kahahantungan
Ay pagkatalong tiyak laban sa mapera
Sa oras ng “recount” pagkat kulang nga siya
Sa tao upang ang lahat ay makita,
Ay posibleng tama ang hinala niya.
Na ang kaso aniya’y madesisyunan,
Ng pabor kay Lilia, ayon sa balitang
Naging laman na ng ilang pahayagan,
Nitong nakaraang mga ilang buwan;
Kung ya’y kautusan para kay Panlilio,
Ng Comelec upang bumaba na ito;
At ang DILG – base sa proseso,
Ang maghahatid sa Kapitolyo mismo.
Pero sa takbo ng mga pangyayri,
Di malayong kahit talo ang “protestee,”
Sa “seat of office” n’yan ay mananatili
Siyang naka-upo hanggang sa June 30.
Pagkat panalo man si Lilia Pineda,
Ay posibleng di na magka-interes pa,
Na makuha kay Gob ang habol talaga
Kahit milyones ang pinuhunan niya.
Kasi ano pa ang kanyang mapapala
Sa natitira pang “3 months” na lang yata?
Higit mahalaga ang naipamukha
Nito sa kalaban ang siya’y dinaya.
At malaking bentahe para sa kanya
Ang hayaan na lang ang naging resulta,
Sa dahilang bale “first termer” pa lang siya
Nitong May 10 kapag siya’y pinalad pa.
At kung saan syempre kahit tatlong ulit
Siyang palarin pa – sa puntong nabanggit
Ay di kasali ang sa protesta pilit
Nitong pinanalo, na hindi nagamit.
Na tiyakang yan ang dahilan kung bakit
Kahit panalo si Mam ay nanahimik;
At hayaan na lang nito si Among Ed
Hanggang sa kung siya ang makakapalit?
Ang pagpapatalsik kay Gob sa Capitol,
Ng kung anong grupo sa paraang “recall”
O pagdaraos ng “special election;”
Na di nagmateryal at nabale-wala
Dahil sa ilang bagay na teknikal yata;
Pero sa kabila ng nausyaming tangka,
Sa “recount” nabaling ang pagpapababa.
Na umusad naman, at kung saan si Gob
Ay tila dumanas ng katakutakot
Na kahirapan sa pagiging “underdog”
Sa lahat ng bagay, lalo sa pang-gastos;
Para sa “watchers” at iba pang kasangga
Ni Among Ed habang ang mga balota
Ay matamang sinusuri’t nirebisa,
Ang para talaga kay Lilia Pineda.
At gaya ng inaasahan ni Among,
Bunsod ng hinalang “bias” yata itong
“2nd Division” ng Comelec sa puntong
Pagbasura n’yan sa kanyang mga “Motion,”
Na mabigyan siya ng “extension of time,”
Upang makakalap ng perang kailangan
Para sa gastusin, ngunit tinanggihan,
Kaya di malayong ang kahahantungan
Ay pagkatalong tiyak laban sa mapera
Sa oras ng “recount” pagkat kulang nga siya
Sa tao upang ang lahat ay makita,
Ay posibleng tama ang hinala niya.
Na ang kaso aniya’y madesisyunan,
Ng pabor kay Lilia, ayon sa balitang
Naging laman na ng ilang pahayagan,
Nitong nakaraang mga ilang buwan;
Kung ya’y kautusan para kay Panlilio,
Ng Comelec upang bumaba na ito;
At ang DILG – base sa proseso,
Ang maghahatid sa Kapitolyo mismo.
Pero sa takbo ng mga pangyayri,
Di malayong kahit talo ang “protestee,”
Sa “seat of office” n’yan ay mananatili
Siyang naka-upo hanggang sa June 30.
Pagkat panalo man si Lilia Pineda,
Ay posibleng di na magka-interes pa,
Na makuha kay Gob ang habol talaga
Kahit milyones ang pinuhunan niya.
Kasi ano pa ang kanyang mapapala
Sa natitira pang “3 months” na lang yata?
Higit mahalaga ang naipamukha
Nito sa kalaban ang siya’y dinaya.
At malaking bentahe para sa kanya
Ang hayaan na lang ang naging resulta,
Sa dahilang bale “first termer” pa lang siya
Nitong May 10 kapag siya’y pinalad pa.
At kung saan syempre kahit tatlong ulit
Siyang palarin pa – sa puntong nabanggit
Ay di kasali ang sa protesta pilit
Nitong pinanalo, na hindi nagamit.
Na tiyakang yan ang dahilan kung bakit
Kahit panalo si Mam ay nanahimik;
At hayaan na lang nito si Among Ed
Hanggang sa kung siya ang makakapalit?