Kahit iwan pa raw siya ni Dingdong Dantes???
    Marian Rivera wala nang kinatatakutan

    424
    0
    SHARE

    Lagi na, yung brave front ni Marian Rivera ang inhaharap sa tao. Sobrang lakas ng dating ng kanyang personalidad kaya nga hindi siya matinag ng anumang intriga.

    Kailan lang ba yung may nagsasalitang may kapalit na siya sa puso ni Dingdong, pero walang epekto yun sa kanya. Isa pa, sigurado naman daw si Marian sa lugar niya sa puso ni Dingdong kaya wala siyang takot na iiwan siya nito.

    Sa rami ng trabaho, ayaw nang mag-entertain ng controversy si Marian gaya ng inayawan daw niyang makasama si Isabelle Daza sa movie dahil sa selos dahil wala naman talagang project na magkasama sila.

    Ang alam ni Marian, okey sila ni Isabelle at para less mistake, less talk na rin ang pinaiiral.

    In the same breath, matapang si Marian. Likas yung lakas ng loob sa kanya, kaya nga nang i-offer daw sa kanya ang newest edition ng Extra Challenge, sinunggaban niya agad.

    At ngayon nga, three days sa Subic sina Richard Gutierrez at Marian Rivera para sa dry run at first taping day ng Extra Challenge na mapapanood uli this October.  

    Naunang kinunan ni director Ivan Dedicatoria ang OBB ng aktres na nagda-drive ng 4×4 sa lahar sa gitna ng sikat ng araw. Director din siya ng Pinoy Adventures at Survivor Philippines.

    Kita ang excitement sa dalawa dahil kahit umulan nang malakas, tuloy pa rin ang dry run na kami ang natakot at kinabahan. Willing sina Marian at Richard na gawin ang challenges kung may magba-backout na celebrity contestants.

    This Tuesday naman ang taping ng Temptation of Wife sa Tagaytay at five days doon ang aktres. Sa Oct. 13, storycon ng Valentine’s Day movie nila ni Richard to be directed by Jade Castro, kaya masaya si Marian.

    “Ngayon lang uli ako magtatrabaho at happy ako sa rami ng trabaho. Excited ako sa Extra Challenge na first hosting job ko, bago ito sa akin.

    Nang sabihin ni Popoy (Caritativo, her manager) na may offer ang GMA News & Public Affairs, go agad ako, gusto kong gawin. Big challenge ito sa akin, ’di ako takot sa height, ’di ako takot sa tubig at ’di ako takot sa insekto, bagay ako rito,” wika ni Marian.

    Kasama sa Extra Challenge ang komedyanteng si Boobay na big opportunity ang makasama sina Richard at Marian at masaya na welcome siya sa dalawa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here