Kagawad, 4 na kasama, huli sa buy-bust

    342
    0
    SHARE

    STA CRUZ, Zambales – Isang Barangay Kagawad at apat pang hinihinalang mga bigtime drug pushers ang nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Zambales police sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Sta Cruz, Zambales.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina  Ireneo G. Meron, alyas “Iniong”, 56; Barangay Kagawad Bembol Marquez, 32; Cipriaco Marquez, alyas “Nonong”; Milagros P. Meron,  alyas “Mila, 54 at Ernie P. Meron, alyas “Bot-Bot”, 27, pawang mga  residente  ng No.  619 Pecson St., Barangay North Poblacion ng nabanggit na bayan.

    Nauna ng dinakip ng pulisya ang mga suspek matapos mapagbilhan ng sachet ng shabu ang isang police poseur buyer kung saan narekober sa pag-iingat ng mga ito ang 15 pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu at ibat-ibang drug paraphernalia.

    Kasunod nito sinalakay ang bahay ni Ireneo Meron batay sa Search Warrant na ipinalabas ni Judge Aida B. Basa-Diviva ng MCTC Masinloc/Candelaria dahil sa paglabag sa RA 8294 (Illegal possession of Firearms, Ammunition at explosive).

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek  ang isang 9mm pistol; caliber 30 riffle; M-16 riffle; ibat-ibang bala; limang  sakong ammonium nitrate; 50 pirasong blasting caps; isang rolyo na detonating cord; at iba pang sangkap sa paggawa ng pampasabog at 1 unit ng motorcycle na may plakang ZE-7234 na pinaniniwalaang ginagamit ng mga suspek sa kanilang operasyon.

    Ang mga suspek ay detinido sa Zambales Police Provincial Office at ipinagharap na sa kasong Paglabag sa RA 8294 o[Illegal Possession of Firearms] at explosives at Paglabag sa RA 9165 (pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na droga).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here