Kinilala ni Senior Supt. Antonio Yarra, provincial director ng Nueva Ecija police provincial office, ang mga suspek na sina Jay Serrano, 44, kagawad ng Barangay Bucot, Aliaga, Nueva Ecija at Rowena dela Cruz, residente ng Barangay Dicarma ng lungsod na ito..
Ayon kay Yarra, si Serrano ay nadakip ng magkasanib na puwersa ng Aliaga police station at provincial public safety company bandang alas 6:30 ng umaga matapos ipatupad ang search warrant na inisyo ng Regional Trial Court sa kanyang bahay.
Narekober ng mga operatiba mula sa bahay ng konsehal ang dalawang plastic na pakete na may mga naiwang shabu at iba’t ibang kasangkapan sa paggamit ng iligal na droga, ayon sa pulisya.
Samantala, si Dela Cruz ay naaresto ng mga operatiba ng Cabanatuan City police station sa kabila ng pagtatangka umano nito na ihagis ang dalawang sachet ng shabu.
Nakatakas anaman ang isang lalaki na sinasabing ka-transaksiyon ni Dela Cruz bago naisakatuparan ang pag-aresto.