PANDI, Bulacan – Kasama na umanong namatay ang kabuhayan ng ilang residente sa naturang bayan matapos ang ginawang depopulation sa mahigit 6,000 baboy na hinihinalang may dalang Ebola Reston virus nang nakaraang linggo.
Ito ang hinaing ni Marcial Rodriguez, 50 anyos, isang backyard raiser sa Barangay Sto. Nino, Pandi Bulacan na limang taon ng nag-aalaga ng baboy.
“Nalulungkot po kami, dahil sa namatay na rin ang aming hanap-buhay dahil pinagbawal na ang pag-aalaga ng baboy dito sa amin.” Hinaing ni Rodriguez.
Aniya, marami silang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Ebola Reston virus na nakita sa isang malaking hog farm sa kanilang lugar.
Mabuti pa aniya ang may ari ng kumpanya ng malaking hog farm kung saan nagdepopulate ng may 6,000 mga baboy ay tutulungan ng gobyerno. Sila umanong mga maliliit na hog raisers na nawalan ng hanap-buhay dahil sa naturang sakit ay walang kasiguruhan kung matutulungan.
“Sila tutulungan ng gobyerno, eh papaano naman kaya kaming mga maliliit na nag-aalaga rin ng baboy, paano naman kaya kami?” ani Rodriguez.
Idinagdag pa niya na problema nila ngayon kung paano iraraos ang araw-araw na gastusin lalo na at may mga pinag-aaral pa sila.
Ani Rodriguez, nakatakda pang inspeksyunin ng mga kinauukulan ang ilan pang hog farm sa kanilang lugar kayat posibleng abutin ng taon bago sila makabangon sa kanilang kabuhayan.
“Sa nakikita namin ay matatagalan ang sitwasyon naming ito kaya di namin malaman kung paano kami babangon.” pahayag ni Rodriguez.
Kayat nanawagan silang maliliit na negosyante ng pag-aalaga ng baboy sa lokal na pamahalaan na silay matulungan sa kanilang kabuhayan.