Home Headlines Kabayanan, palengke ng Samal, binaha

Kabayanan, palengke ng Samal, binaha

555
0
SHARE
Bahang bahagi ng Samal public market. Kuha ni Ernie Esconde

SAMAL, Bataan — Tinamaan ng flash flood ang bayang ito ngayong Miyerkules, Augusto 2, na mula sa pinagsanib na ulang hatid ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon at ng tubig sa dagat dala ng high tide. 

Apektado ng baha ang mga bahagi ng Barangay East Daan-Bago, Samal public market at national road sa tapat ng munisipyo.

Umabot ng halos hanggang kalahati ng binti ang lalim ng baha na agad namang humupa.

Isang babae ang kailangang tumungtong sa isang mono-block chair upang maabot ang lutuan na itinaas upang malibre sa baha samantalang isang babae naman ang patuloy sa paglalaba ng mga damit na inabot ng baha. 

Sinabi ni Romeo Dizon na pinasok ng tubig ang kanilang bahay na halos hanggang kalahati ng binti ang lalim. “Galing sa dagat ‘yang tubig. Isang linggo na kaming binabaha.”

Patuloy ang paglilinis sa palengke. Sinabi ni Alvin Tequilo na halos hanggang kalahati ng binti ang taas ng tubig sa palengke na tatlong araw na umanong binabaha.

Malaki naman ang tiwala ng tinderang si Mery Prudenciado na maaayos ang palengke. “Naghahanap lang ng maganda-gandang malilipatan at kapag may nakita na si Mayor Alex Acuzar ng magandang lilipatan,  ililipat na kami.  Talagang project ni mayor na ilipat kami.” 

Kapag ganitong binabaha ang palengke ay matumal umano ang benta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here