Kabastusan ni Marian Rivera inayos na ng GMA 7

    444
    0
    SHARE
    Kahit na sabihin pang naayos na ng GMA 7 ang alitan nina Bela Padilla at Marian Rivera, malinaw pa sa sikat ng araw na talagang binastos at minaltrato ni Marian si Bela. Kung wala naman kasi talagang gulo at gaya ng sabi ng GMA 7 execs at mismong ni Dingdong na na-blow lang out of proportion ng press ang sinasaabing gulo, parang inamin talaga nilang inaway nga ni Marian si Bela. Kung hindi, bakit sila inayos?

    Kaya kahit na anong salita pa ngayon ni Dingdong at kahit na anong pagtatanggol nito sa kasintahan, hindi na niya mapagtatakpan na talagang bastos si Marian at di lang si Bela ang una niyang naging biktima. Di ba, paulit- ulit naman ang mga kinasasangkutan nitong gulo at ang bottomline ng lahat ay tungkol sa malabnaw na pag-uugali ni Marian Rivera? Yung almost bordering na nga sa kabastusan ang maraming pinagggaawa niya in the past at isa na nga rito yung pang-iinsulto niya sa alaga ni Claire Dela Fuente?

    Anway, pagkatapos pala ng supposedly ay meeting ng dalawang kampo, dumalaw si Marian sa kasintahan sa St.  Lukes Medical Center.

    Three days nang naka-confine sa hospital si Dingdong dahil mababa ang platelet count at pinagpapahinga ng kanyang doctor. Kailangan ding magpataba si Dingdong dahil kahit sa Endless Love, halatang payat siya

    Nagpasalamat pala si Dingdong sa press na pumuri sa pagpalabas niya ng statement defending Marian. May line sa statement ni Dingdong na ikinakilig ng kanilang fans dahil sabi nito “As someone who believes in Marian’s character and loved her dearly, wholeheartedly, without boundaries, in this life or in the next, I would like the readers/public/spectators to know that I will be behind her, beside her, and even in front of her in fulfilling her dreams and aspirations. Our relationship is at its strongest point now, more than ever.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here