Kababaihan nagpakita ng galing sa cheering squad competition

    404
    0
    SHARE
    DINALUPIHAN, Bataan – Anim na koponan ng purong mga kababaihan ang nagpamalas ng kanilang galing sa paligsahan ng cheering squad na ginanap sa Dinalupihan Linggo ng gabi.

    Ang mga kalahok ay pawang kasapi ng Kababaihan para sa Kaunlaran mula sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay at Morong. Ang paligsahan ay sinaksihan nina Kongresista Herminia Roman at asawang Tony, dating Kinatawan ng Unang Distrito; Mayor Joel Payumo ng Dinalupihan at Mayor Nelson David ng Limay kabilang ang ilan pang opisyal.

    Halos mapuno ng maraming manunood at malalakas na sigawan ang malawak na Dinalupihan oval grounds habang masaya nilang minamasdan ang pagsasayaw ng mga kalahok na may matitingkad at kaakit-akit na mga kasuotan.

    Umani ng masigabong palakpakan nang gumiling ang mga kalahok sa saliw ng awiting “Nobody But You”, “Billy Jean” at iba pang tugtugin. Hindi magkamayaw sa tawanan lalo na nang sumali at todo indak ang isang matabang babae.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here