Ka Freddie Aguilar National Artist material

    375
    0
    SHARE
    Noon pa man daw, lagi nang nababalitaan ni Ka Freddie Aguilar na nominado siya bilang National Artist ditto sa atin.  

    “Nagulat nga ako nang malaman ko na kailangan pala ng lobbyist para maging National Artist ka. Bakit? Hindi ba dapat, ’yung merit mo, na ano ba ang ginagawa mo para sa bansa, ’di ba?” sabi ni Kaka sa mga nakausap niayng press people sa opening ng kanyang Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant located at Adriatico cor. Pedro Gil Sts, Malate, Manila.

    Gayunman ay masaya na raw siya na laging nakakasama ang pangalan niya kahit hindi siya napipili.

    “Ilang beses na akong na-nominate and I’m very proud to tell you na wala akong lobbying. Lagi lang nababanggit ang pangalan ko pag may nominees and I’m very much flattered already doon pa lang. Nino-nominate ako everytime and masayang masaya na ako.

    “Pero kung katulad lang siguro ako ng ibang artist na kumukuha ng lobbyist, baka nakuha ko na,” pagmamalaki pa nito.

    Samantala, dahil sa mga pirata ay ayaw munang gumawa ni Kaka ng album and instead ay nagko-concentrate siya ngayon sa kanyang bagong tatag na bar and restaurant.

    Kung gusto n’yong makita’t mapanood na mag-perform ang magaling na music icon, pumunta lamang sa kanyang Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant. He’s performing every Friday and Saturday.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here