Home Headlines Juvenile Philippine scops owl na-rescue sa isang bakuran sa Bulacan.

Juvenile Philippine scops owl na-rescue sa isang bakuran sa Bulacan.

572
0
SHARE
BENRO Ang batang kwago na narescue sa Bulacan.
LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Isang batang kwago na sa Pilipinas lang matatagpuan ang na-rescue kamakailan sa Sitio Mangahan, Barangay Pulong Buhangin sa Sta. Maria, Bulacan.

Ayon sa Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), ang nailigtas na batang Philippine Scops Owl o kilala din sa tawag na Otus Megalotis ay tinatayang nasa apat na buwang gulang pa lang.

Maayos naman ang kalagayan at kalusugan nito ng mailigtas ng isang residente kasama ang mga kawani ng BENRO nitong March 18.

Ang batang Scops owl ay tinatayang may anim na pulgadang taas at may bigat na 700 grams.

Ang kwagong ito ay kinukunsidera na isang endemic species sa Pilipinas na natatagpuan kabundukan ng sa Sierra Madre.

Ayon pa sa BENRO, hinala nila ang kwago ay posibleng nahulog mula sa pugad nito sa kagubatan.

Ito ay itinurn over na sa Community Environment and Natural Resources Office sa bayan ng Guiguinto para sa tamang pangangalaga bago muling pakawalan sa kagubatan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here