Julian, nawalan ng bagong project

    397
    0
    SHARE
    MATAGAL na ring walang bagong project si Julian Estrada, ikalawang anak ng mag-asawang Sen. Jinggoy Estrada at Precy Vitug-Ejercito.

    Si Julian ay nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent management company ng ABS-CBN.

    Kahit may mga naka-line-up na project dati para kay Julian ay hindi na ito natuloy lahat. Bakit kaya?

    Minsan ding na-link si Julian kay Julia Barretto nung pareho pa lamang silang nagsisimula sa kanilang respective career sa bakuran ng ABS-CBN.

    Si Julian lamang sa apat na anak nina Sen. Jinggoy at Precy ay may hilig sa showbiz habang pulitika naman ang direksiyon ng kanilang panganay na si Janella na isa sa mga konsehal ngayon ng San Juan City, kung saan naglingkod bilang mayor ang kanyang lolo na si dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada at amang si Sen. Jinggoy Estrada.

    Samantala, kahit anong hikayat ang gawin sa misis ni Sen. Jinggoy na si Precy na pasukin na rin nito ang pulitika ay ayaw nito talaga. Tama na raw sa kanyang ang pagiging behind-the-scene.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here