Julia Montes unti-unting nai-in love kay Enrique Gil

    478
    0
    SHARE

    Si Julia Montes ang kinuha ng Comfit Shoes na maging first brand celebrity ambassador nila dahil bukod sa noon pa ay kaibigan na ng mag-asawang owner nito at hindi pa man daw siya endorser ay ito na talaga ang ginagamit niya, ayon sa may-ari ay talagang si Julia raw ang nakikita nilang young actress na babagay sa kanilang produkto.

    Sa Muling Buksan Ang Puso teleserye ng young actress ay ito raw ang makikitang gamit niya at sa ngayon nga raw ay napakarami na niyang koleksyon ng nasabing brand.

    Sa press launch na ginanap last Thursday, sinagot ni Julia ang lahat ng katanungan ng entertainment press mapa-love life man o mapa-career.

    Natanong nga sa kanya kung nagkaka-develop-an na ba sila ni Enrique Gil na isa sa leading men niya sa MBAP at aminado naman siyang mas naging close sila ngayon kaysa noong panahong magkasama sila sa Shout Out.

    “Guwapo siya, para siyang prinsipe pero ewan ko kung siya na ang perfect one. Hindi ko alam,” nakangiti niyang say.

    Hindi raw naman siya after sa personality ng isang guy kungdi mas gusto pa rin daw niya kung ano talaga ang pagkatao nito. For one, ang gusto raw niya ay God-loving person.

    “Iba kasi ang karakter ni Enrique. Kung titingnan natin siya, parang super-batang-bata lang na ’yung typical na ano, pero when you got to know him, iba siya. Malalim din siyang tao,” pagdi-describe pa ni Julia sa kapareha.
    May ginagawa bang move si Enrique para ligawan siya?

    “Hindi ko alam kung move ’yun bilang Enrique o Francis (pangalan ng karakter ni Enrique sa MBAP). So, clueless,” sagot ng dalaga.

    Pero may napi-feel siya?

    “Hindi ko alam kung tama ang napi-feel ko,” natatawa niyang sabi. “Nati-tense ako,” say pa niya.

    Dahil nga sa itinuturing ngayon si Enrique bilang isa sa pinaka-sexy nating young actor, natanong din si Julia kung isa ba siya sa naseseksihan sa kapareha?

    “Mayroon siyang aura na parang sexy,” she said.
    Samantala, this Sunday (Aug. 11) ay magkakaroon ng grand launch ng official soundtrack albumang Muling Buksan Ang Puso sa Trinoma Activity Center sa Quezon City, sa ganap na alas-kwatro ng hapon.

    Kasama nina Julia, Enchong at Enrique sa album launch ang platinum-selling recording artists ng Star Records na sina Angeline Quinto at Juris.

    Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, tampok sa Muling Buksan Ang Puso album ang mga awiting bahagi ng kwento ng magkakaugnay na buhay ng mga bidang karakter sa serye na sina Sarah (Julia), Leonel (Enchong) at Francis (Enrique) kabilang ang carrier single na Muling Buksan Ang Puso na kapwa inawit nina Erik Santos at Lani Misalucha, Yakap ni Charice, Paano Kita Mapasasalamatan ni Juris, Dapat Ka Bang Mahalin ni Angeline, Sinasamba Kita ni Jed Madela, at duet ng Muling Buksan Ang Puso nina Erik at Lani.

    Bahagi rin ng album na nagkakahalagang P150 ang minus ones ng lahat ng tracks.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here