Julia Montes tinototoo na ni Coco Martin

    320
    0
    SHARE

    Bagama’t kinumpirma na ni Julia Montes na si Coco Martin ang escort niya sa darating na debut niya on March 19, hindi pa pala niya personal na naiimbitahan ang aktor.

    Ibinuking ito ni Coco sa presscon ng A Moment in Time, ang pelikulang pinagsasamahan nila ni Julia at Valentine offering ng Star Cinema.

    “Nababalitaan ko (lang), sinasabi niya sa iba. Hindi naman niya dini-direct na magsabi sa akin. Hindi naman niya sinasabi sa akin na ‘puwede ka bang maging escort ko?,’” say ni Coco, na ikinaaliw press people at fans na nasa presscon.

    Kailangan pa bang sabihin sa kanya?

    “Siyempre. Actually, nag-e-expect din ako,” sagot ni Coco kaya sigawan lalo ang fans. “Siyempre, ’di ba? Parang ang sakit naman nu’n? ’Pag sinabi mong iba ang kinuhang escort, ibig sabihin, basted. Pero ’pag kinuhang escort, may puntos.”

    So, masasaktan siya ’pag iba ang kinuhang escort ni Julia?

    “Siyempre, masakit sa akin ’yun ’pag iba ang escort niya,” pag-amin ng aktor.

    Kaya naman that moment ay tinanong din si Julia kung sino ba talaga ang napili niyang maging escort para at least, klaro sa lahat.

    “Ikaw kasi,” malambing na sabi ni Julia kay Coco.      

    Sigawan ulit ang fans.

    “Totoo ’yun, personally, hindi ko pa siya nadidirekta. Mga kasa-kasama lang namin ang nag-invite sa kanya.

    Eto, personally na,” say ni Julia sabay tanong kay Coco, “puwede ka bang maging escort ko?”

    Ang sagot naman ng aktor na ikinatili ng lahat, “’pag ako ang kinuha mong escort, ibig sabihin, may posibilidad na maging tayo, sige ka.”

    Kantyaw tuloy sa aktor, mukhang nanliligaw na nga siya kay Julia.

    Pero dahil nga wala pang 18 si Julia, ayon kay Coco, hindi pa siya nanliligaw pero umaming ang lola ng leading lady ang nililigawan niya.

    “Parang Walang Hanggan ito, eh! Nu’ng mag-18 siya, ako ang escort niya. Malamang nito, kami rin ang magkakatuluyan,” sabi pa ni Coco.

    Samantala, hindi lang sa real life nakakakilig ang Coco-Julia tandem dahil sa trailer pa lang ng A Moment in Time, saganang-sagana sa kilig scenes ang pelikula.

    Say nga ng aktor, tinataya niya ang kanyang kaluluwa sa pelikulang ito.

    “Maraming bagay sa pagkatao ko na hindi ko kayang gawin, kasi nga kahit ’eto, nagtatrabaho ako, kailangan halos lahat, puwede mong gawin at kaya mong gawin.

    “Sabi ko nga, ang pagsayaw-sayaw at pagkanta dito, sobrang labag sa loob ko ’yan, sa totoo lang. Hindi ko talaga kayang gawin lalo na sa harap ng maraming tao.

    “Pero nu’ng sinabi nila na kailangang gawin ang eksenang ito, pikit mata kong ginawa ’yung eksena. Sabi ko nga, ‘Direk, itinaya ko na ang kaluluwa ko rito, ah!’”

    Showing na sa Feb. 13 ang A Moment in Time mula sa direksyon ni Emmanuel “Manny” Palo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here