Magkakaroon na ng bagong timeslot ang Juicy ng TV5 hosted by Alex Gonzaga, IC Mendoza and Cristy Fermin. Ilalagay na ito sa 11:30 p.m. slot at makakatapat ang SNN: Showbiz News Ngayon nina Boy Abunda at Kris Aquino.
Bukod sa pagkakaroon ng new timeslot, makakasama na rin bilang host si DJ Mo Twister. Yes, finally ay natuloy na rin ang paglipat niya sa TV5 at hindi lang siya sa Juicy makakasama kungdi maging sa Paparazzi every Sunday.
Pabor naman si Alex sa bagong timeslot dahil sa dating timeslot sa hapon ay teleserye ang mga katapat nila na may established viewers na. At least daw sa gabi ay iba-iba na ang pinapanood ng mga tao.
Kung si IC naman ang tatanungin, mas okay daw sa kanya ang 2:15 p.m. timeslot dahil mas sanay na raw siya pero siyempre, desisyon ng management na palitan ang oras kaya wala naman daw silang magagawa kungdi ang sumunod.
Natutuwa naman daw sila sa pagdagdag ni DJ Mo at sabi nga ni IC, at least ay may makakabatuhan silang tunay na lalaki sa show.
“Kumbaga, maririnig naman natin ’yung opinion ng tunay na lalaki sa show,” sabi pa niya.