Judy Ann Santos panakip-butas lang kay Claudine Baretto

    498
    0
    SHARE
    Knowing kung gaano kadiwara ang manager ni Judy Ann Santos, tiyak na hindi nito ikinatutuwa na biglang ipalalabas ang matagal nang nabibinbing teleserye ng kanyang alaga. ‘Di nga ba kapuwa nagmamarakulyo na noon pa man sina Juday at ang kanyang manager dahil nga kay tagal nang tapos ng Habang May Buhay something pero hindi maipalabas dahil mukhag may kaba factor ang

    Dos kung magki-klik nga ito. Dami kasing flop projects ng alaga ni Alfie Lorenzo kaya siguro binimbin ang proyekto.

    Anyway, nang biglang mawala si Claudine sa Dos na halatang ininda ng management ng ABS-CBN, heto nga at muli nilang binuhay ang naghihingalong career ni Judy |Ann Santos. Kumbaga, para mapunan ang kakulangan ng Dos kay Claudinr ayan at isinalang nilang bigla si Judy Ann Santos na tila nawalan ng ningning simula nang magpakasal na ito kay Ryan Agoncilio.

    And speaking of Claudine, kay rami nitong proyektong gagawin sa GMA 7 kaya tiyak na lalo pang aalagwa’ng career niya. Huwag nang matakot si Claudine at ang GMA 7 na tatapatan sila ni Juday, tutal naman, matagan nang tinalo ni Claudine ang alaga ni |Alfie Lorenzo.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here