Judy Ann Santos handang gumastos ng milyones
    mapasok lang sa OSCARS ang PLONING

    383
    0
    SHARE

    Humarap sa press si Judy Ann Santos at sinagot niya’ng maraming katanungan tungkol sa kanya at sa syota niyang si Ryan Agoncilio. 

    Hindi ba nami-miss ni Juday ang Metro Manila Film Festival this year dahil wala siyang entry? Pagkatapos kasi ng magkasunod na taon na number one sa box-office ang kanilang mga pelikula ni Ryan Agoncillo sa Star Cinema—Kasal, Kasali, Kasalo (2006) at ang sequel nitong Sakal, Sakali, Saklolo (2007)—ay hindi mapapanood this year si Juday.

    “Nagku-concentrate ako sa filmfest, ‘yon nga lang, sa Oscars!” napahalakhak na wika ni Juday. “Inspired kami ni Dante Garcia na magtrabaho ngayon para makalikom kami ng five million pesos, na kailangan namin sa pagla-lobby for Ploning sa Oscars sa February 2009.
     

    “Nang gawin namin ang Ploning,” kuwento niya, “akala namin ay gagawa lang kami ng isang pelikulang naiiba at magugustuhan ng mga fans ko. Hindi namin in-expect na magugustuhan ito nang mag-screen para sa foreign-film category. Yun lang sinabihan kami na isa ito sa napili sa said category, isa nang malaking achievement ‘yon para sa movie. Kaya gumagawa kami ngayon ng paraan para nga makapag-lobby kami na maiboto ang Ploning.”

    Kumuha ba sila ng PR firm para mag-handle ng promotions ng Ploning?

    “Yes po,” sabi ni Juday. “Kaya nga medyo nadagdagan ang budget namin dahil mahal din po ang PR firm doon sa States. Pero okay lang dahil kailangang may mag-asikaso talaga doon.
    Mamaya may meeting ako, at doon ko malalaman kung aling PR firm ang nakuha namin.”

    Sa sobrang busy ngayon ni Juday, hindi raw siya nagkakaroon ng time na mapanood si Ryan sa Pinoy Fear Factor ng ABS-CBN. Pero marami raw nagsasabi sa kanya na mahusay ang boyfriend sa paghu-host. Biniro tuloy siya na hindi pala niya nakita si Valeria, ang South American model na co-host daw ni Ryan sa reality show. 

    “Alam ko ‘yon,” sabi ni Juday. “Naitanong ko kay Ryan kung maganda ba siya, sabi niya, hindi raw maganda. So, okey lang sa akin ‘yon. May tiwala ako kay Ryan.”

    May nang-intrigang press kay Juday kung totoo nga bang pumasok si Valeria sa room ni Ryan sa Argentina.

    “Ha? Hindi ko alam ‘yon, walang sinabi si Ryan! Hayaan n’yo, itatanong ko sa kanya!” natatawa niyang sabi.

    Kailan matutuloy ang team-up nila ni Ryan sa Regal Entertainment?

    “May sinabi na po kaming concept ni Ryan kay Mother Lily [Monteverde]. Light comedy, pero mas may puso. Sabi po ni Mother Lily, pag-aaralan nila ‘yong concept at kung maaayos, baka po ‘yon ang susunod naming movie together.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here