Judy Ann Santos di tatapatan ang Talentadong Pinoy ng mister niyang si Ryan Agoncilio

    284
    0
    SHARE

    May cooking show si Judy Ann Santos that would air every Saturday, pero siniguro nitong hindi siya tatapat sa Talentadong Pinoy ng mister na si Ryan Agoncilio sa TV5.

    Hindi nga naman magandang tingnan na sila pang mag-asawa ang maglalaban sa viewership gayong maghapon nga naman ang Sabado.

    Ayon nga kay Juday, sa first few weeks ay every Saturday mapapanood ang iho-host niyang show at siniguro raw niya na hindi ito makakatapat ng show ni Ryan sa TV5 na Talentadong Pinoy.

    “Kasi siyempre, gusto ko naman na mapanood ng mga tao pareho ’yung shows namin. And respeto na lang sa show ni Ryan, nauna naman talaga ang Talentadong Pinoy, parang hindi naman din tama na pagtapatin kami at iba naman ’yung tema ng show niya at tema ng show ko. Gusto ko, ’pag napanood ng mga tao, parehong show.”

    Going back to Juday’s new cooking show, ayon sa kanya, napaiyak na siya nang una pa lang itong i-present sa kanya kaya hindi naging mahirap ang pagtanggap sa nasabing programa kung saan siya ang host.

    “Sa bawat proyektong tinatanggap ko, kapag naluha ako at naiyak ako sa eksena sa script na binabasa ko, maganda siya para sa akin.

    “Eto, logo pa lang sa TV, naiyak na ako, so, ibig sabihin, gusto ko siya at mahal ko na ’yung show nu’ng ipinakita pa lang sa akin,” pahayag ni Juday sa presscon kahapon para sa naturang reality show.

    “Wala nang masyadong mahabang usapan, in fact, nang magkaroon ng briefing, nang araw na iyon, umoo agad ako, sabi ko, ‘yes, I’ll do it.’

    “It’s not a hard decision to make, it’s something na impulse, eh, na oo, sige po,” dagdag pa niya. Sa sobrang excitement nga raw niya, nakalimutan niyang konsultahin ang asawa niyang si Ryan Agoncillo.

    “Ganu’n ako ka-excited, ‘ay, oo nga pala, may asawa ako, kailangan ko nga palang i-consult."

    Ayon pa sa aktres, dream come true para sa kanya ang show na ito dahil nang pinapanood daw niya ang CD ng original edition sa United Kingdom at Australia, hindi raw niya naisip na makakarating ito sa Pilipinas.

    “Kasi parang inisip ko, meron ba talagang sasali na mga Pilipino kung saka-sakaling makarating dito ang franchise ng Masterchef?

    “And nu’ng in-offer sa akin, logo pa lang, naluha na ako. Kasi pinapanood ko siya, eh.”

    Speaking of Ryan, natanong kay Juday ang tungkol sa teleseryeng gagawin ng asawa sa TV5 kasama ang Superstar na si Nora Aunor at siyempre, ani Juday, super proud at happy siya about it.’

    “Oo naman! Oo naman, ano ba! Lahat naman tayo, excited na finally nandito na si Miss Nora Aunor and nakaka-excite na muling mapanood siya sa TV, sa pelikula kasi na-miss naman siya talaga ng mga tao.

    “And parati ko namang sinasabi ’yung level ng acting niya na ibinigay ni Ate Guy, wala namang makakagawa nu’n, wala namang makakapantay, so, excited akong mapanood muli ang pag-arte niya.”

    Si Juday, may bansag na “Young Superstar” dahil sinasabi ngang siya ang the next Superstar.

    Ano ang masasabi niya tungkol dito?

    “Salamat, salamat po, pero parati ko namang sinasabi na walang next, walang susunod, kasi siya lang ’yan, eh, siya lang ang nakapasok sa ganu’ng level, sa ganu’ng status, eh.

    “Ni sa kalingkingan yata ng naabot ni Ate Guy, hindi ko naabot, eh. Dahil talagang matindi ang nangyaring… ang laking artista ni Nora Aunor, walang makakapantay sa kasikatan niya,” pahayag pa ni Juday.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here