Judy Ann Santos clarifies she made peace with manager Alfie Lorenzo before his death

    532
    0
    SHARE
    KAPAMILYA actress Judy Ann Santos doesn’t deny that she had a conflict with her manager veteran entertainment columnist Alfie Lorenzo – who died a few days ago.

    “May mga hindi kami pagkakaunawaan nuon. Hindi ko naman itinatanggi yon. Pero bago naman siya nawala naging maayos na ang pagsasama namin.”

    In fact, Judy Ann was the first person who was called when the lifless body of Alfie was in his room at Solaire Resorts and Casino in August 1.

    “Actually, ako ang personal na nagkasikaso sa burol ni Tito Alfie dito sa Manila, hanggang sa ma-cremate ang body niya at ihatid sa Pampanga nung Aug 3.

    “Pero bago yun inihatid muna namin siya sa Carmelite sisters sa Angeles City. Kasi kahit nuon pa, dito siya madalas pumunta, tsaka ako dinadala din niya duon. Yun yung simbahan na itinuro niya sa amin na puntahan, na mag-novena ako dun tuwing meron akong pelikula. Yun yung isa sa mga itinuro sa akin ni Tito Alfi e.

    “Kung meron man akong dapat hindi kalimutan, yun ang pagpapasalamat at pagdadasal, hindi lang tuwing may kailangan, kundi pag may panahon. Gusto ko talaga maidaan siya doon para makapag-pay respect sa mga madre na inaalagaan niya doon, especially sila Sister Agnes. And then, from there, dinala na siya sa Holy Family Chapel sa Pampanga.”

    What would Juday miss about Tito alfie?

    “Siguro mami-miss ko yung pagmumura niya sa akin, saka yung pag-gatecrash niya sa presscon, saka yung pag-walkout niya sa presscon kapag hindi siya naimbitahan, ganun! Mami-miss ko siguro yung iniiwasan ko siya, para hindi niya ako matalakan sa harap ng maraming tao. Siguro mami-miss ko yung mga mura niya sa akin sa cell phone. Siguro mami-miss ko rin yung kinakabahan ako pag makita ko yung pangalan niya sa telepono ko. Pero siguro dapat burahin ko na, baka makita ko yung pangalan niya, baka lalo akong kabahan, baka himatayin ako!

    “Kahit naman nagkaroon kami ng hidwaan ni Tito Alfie, hindi mo naman maalis yung thought na he is a good person, cariño brutal lang talaga siya sa maraming tao. Kung gaano kalaki ang hate niya sa ‘yo, ganun din kalaki ang pagmamahal niya sa ‘yo. So, kaya feeling ko, deserved din naman na makita ng mga tao si Tito Alfie, lalo na yung mga natulungan niya para makapagpasalamat sila.”

    How would this affect her life and career?

    “Of course, it’s gonna be different. Kasi iba yung alam mong nandiyan siya na hindi lang kayo nagkakausap, kesa sa alam mong wala na talaga siya na hindi mo siya makakausap, hindi mo siya makakasalubong somewhere, na hindi mo siya nakikita kahit kailan.”

    Juday stressed that before Tito alfie’s demise, she was able to talk to him and iron out things.

    “Actually, yung last na pag-uusap namin ni Tito Alfie, maayos, ha… baka isipin ng mga tao na may hidwaan kami. Personally, sa paniniwala ko, maayos akong nakapagpaalam sa kanya. Maayos akong nakapag-sorry. Kaya siguro din wala ako masyadong hinaing kasi alam ko sa sarili ko na at peace akong nagpaalam sa kanya, at nagpasalamat ako sa kanya. I was able to say everything that I wanted to tell him, lahat ng sama ng loob, lahat ng pagpapasalamat, nasabi ko.

    “Kahit naman… alam mo naman mag-aama, mag-iina, nagkakaroon ng tampuhan. Alam niyo naman ang mga tampuhan namin ni Tito Alfie, 10, 14, 15 years ago, live kung talakan ako niyan, walang humpay.

    “Yun naman yung sinigurado ko, kasi hindi naman dahil sa iniisip ko kung anong mangyari sa kanya… Ayoko lang magkaroon ng grudge o magkaroon siya ng sama pa ng loob dahil alam kong grabe magtampo si Tito Alfie. Iyon naman ang sinigurado ko sa kanya. Imagine halos 28 years niya akong na-manage.

    “Anyway, kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya.”

    * * *

    UNBELIEVABLE! But it’s true! The Kita Kita movie topbilling Empoy and Alessandra de Rossi made millions in the box office. However, is it also true that Alex thought of quitting showbiz?

    “No, joke yun kasi parang nagtatanong kami sa mga… kasi may AlEmpoyers (Alex and Empoy loveteam) dun so nastress ako.

    “Tapos parang sabi ko, ‘Kayo ba ay nangangarap na… kasi pag love teams, kailangan magkatuluyan, magagalit ang fans.’ Oo daw! Gusto daw magkatuluyan kami. Sabi ko, ‘E, di, good for you. Marunong kayo magmahal.”

    “Every year, actually every two months, lagi ko sinasabing quit na ako next time kasi napapagod talaga ako sa mundo ng showbiz, sa kashowbizan ng mga tao. Kaya lang, nangingibabaw yung mahal kong umarte, e. Minsan yung kapalit noon, hayaan mo na, basta nagagawa mo yung gusto mo.”

    Alessandra also announced that her movie with Empoy has already earned P230 million in more than two weeks since its July 19 premiere. This rom-com movie directed by Sigrid Andrea Bernardo is Graded A by the Cinema Evaluation Board.

    “Sa lahat ng nagbigay ng chance na hindi dinedma yung pelikula dahil kami ni Empoy yung bida, yung binigyan niyo ng chance yung materyal, kasi yun lang naman ang ipinaglalaban ko ever since,” said the 33-year-old actress.

    Alex is also happy knowing that her mom is proud of her latest achievement. In fact, she still feels her mom’s unwavering support for her, even though she resides in Italy.

    Alex narrated, “Wala siyang ginawa kundi magsend sa akin ng magsend ng mga comments ng mga tao o fanart ng mga tao.”

    “Sobrang saya niya siguro na isa rin siya sa nagdasal and lagi naman siyang ganun. Hindi kasi ako marunong magdasal, e. Hindi ako marunong humingi, e. Puro thank you lang ako lagi pag nagdadasal ako. Wala talaga akong kayang hingin kundi laging feeling ko lahat ng meron ako, sobra pa.

    “Sana lang maibili ko ng ticket yung parents ko, pamilya ko, papunta dito para mapanuod nila yung pelikula ko.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here