Jorross Gamboa lilipat na sa GMA 7

    397
    0
    SHARE
    Hindi inaasahan ni Joross Gamboa na siya ang magwawagi sa kategoryang Single Performance by an Actor sa nakaraang PMPC Star Awards for TV.

    Alam daw niyang napakahuhusay ng mga kalaban niya at nang dumalo siya ay wala siyang anumang inaasahan. Kaya nang tawagin ang pangalan niya ay laking gulat niya.

    “Noong tinanggap ko ’yung award at nag-speech, name-mental-block akong talaga. Hindi ko ine-expect talaga na ako ’yung tatawagin dahil alam kong magagaling lahat ng kasama kong nominees at magaganda rin ang ginawa nilang episode,” say ni Joross in an interview.

    Dahil nga na-mental block siya, ang dami niya raw hindi napasalamatan and this includes his manager, Becky Aguila.

    “Nawala na talaga sa isip ko. Kaya after, nagpunta naman ako sa backstage at nagpasalamat sa kanila.  Alam ko kung sinong mga dapat kong pasalamatan pero pagdating talaga du’n, walang lumalabas sa boses ko.”

    A day before the awards night, nagdiwang si Joross ng kanyang 25th b-day kaya naman ang natanggap niyang parangal ay isa raw napakagandang gift ni Lord sa kanya.

    By the way, is it true na lilipat si Jorross sa GMA 7 at magpapalit na ito ng manager. Tila wala raw kasing nagawa si Becky Aguila kaya pinag-iisipan ng actor kung sino kina Noel Ferrer o Perry Lansigan ang kukunin niyang bagong mamahala ng kanyang career.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here