Jordan Herrera mahusay na eksenang nakikipag-sex sa kapuwa lalaki

    1977
    0
    SHARE

    Sumikat ang hunk na si Jordan Herrera sa “wala ba kayong mga kamay commercial na Rexona deodorant” at grupo niyang “Power Boys”. Ang Viva Films ang nag-launch sa kanya bilang leading man sa mga sexy films tulad ng “Gamitan” na pinagbidahan ni Maui Taylor, sa “Keka” ni Katya Santos at  “ Lupe” ni Andrea del Rosario. Ginawa rin niya ang serious film na “Bugbog-Sarado” mula sa direksyon ni Joel Lamangan kasama sina Victor Neri, Andrea del Rosario at Maui Taylor. Binigyan rin siya ng wholesome film ng Viva Films na “Annie Batungbakal” kung saan other leading man siya ni Jolina Magdangal with Dingdong Dantes.
    Nasangkot sa kung anu-anong kontrobersya involving him with an alleged  gay benefactor at much publicized na paghihiwalay niya sa ex-wife. Naka-tatlong season siya sa afternoon soap ng Sex-bomb group” Daisy Siete” ng GMA 7. Lately, naging visible siya sa telebisyon through boxing reality show hosted by Cesar Montano,”Ang Pinoy Mano-mano” featuring celebrity boxers, kung saan siya ang itinanghal na grand champion.

    Kamakailan,marami ang nagtaka sa pagtanggap niya sa pelikulang “Lalamunan” ng Leo films, kung saan gagampanan niya ang role na “bisexual husband” ng original Viva Hotbabe Hazel Cabrera. Mapangahas kasi ang role dahil it required him na makipag-love scene sa kapwa lalaki played by new hunk actor Ran Domingo who did frontal nudity in several scenes in his launching film “Binyag”. First time kasi ni Jordan na gawin ang eksena na ‘yon in big screen. Sangkatutak ang nag-offer sa kanya na gumawa ng pelikula na may pagka-gay film pero lagi siyang tumatanggi.

    “Binasa ko ang script at matino ang pagkakasulat. Saka hindi ako all out gay dito. Macho gay or tipong bisexual. May twist sa huli na ikakagulat ng audience. Napaka-challenging ng role na ginampanan ko. I realized it’s about time na mag-grow na ako as an actor at maipakita ko na may talent ako kahit paano. Timing siguro ang nangyari dumating ang offer sa time na nakapag-decide na ako na maging open to any character role na mahahasa ang pagganap ko,” pagkukuwento ng sexy actor.

    May butt exposure si Jordan sa shower scene niya sa movie at hindi siya nag-plaster. Violent sex ang pinaggagawa niya rito kay Hazel, kung anu-anong posisyon at pambababoy na ikaka-shock tiyak ng manonood. Pero ang tiyak na aabangan ng mga bading sa pelikula ay ang violent sex scene nila ni Ran Domingo…” Grabe ‘yon parang after doing it nabigla ako na nagawa ko ‘yon. Palitan kami ni Ran sa sex scene na ‘yon. Kung ano ginagawa ko sa kanya, ginawa rin niya sa akin like anal sex, oral sex, pumping at nag-victory Joe si Ran dito. In fairness maayos ang pagkakakuha ni direk ng eksena naming,” natatawang pagde-detalye ni Jordan.

    Ayon sa nakapanood ng rushes ng pelikula, nagtagumpay si Jordan na maipakita ang husay niya bilang aktor. Very complex ang role at pasado siya sa kanyang pagsabak sa pinaka-daring role na ginawa niya sa buong buhay niya.” Nakatataba ng puso. Sana nga, mapansin nila ‘yon pinaghirapan ko. Talagang pinag-aralan ko ang character ko pati nga role at dialogue ng mga kaeksena ko ay napag-aralan ko. Sana masundan at mabigyan pa ako ng matitinding acting role,” pagtatapos ni Jordan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here