Jolo Revilla out of danger

    264
    0
    SHARE
    As of press time ay nasa ICU (Intensive Care Unit) pa rin si Cavite Vice Governor Jolo Revilla matapos sumailalim sa operasyon nang aksidenteng mabaril niya diumano ang sarili noong Sabado ng umaga.

    Nagbigay ng update ang spokesperson ng pamilya Revilla na si Atty. Raymund Fortun kahapon ng umaga sa Umagang Kay Ganda at masasabi na raw na ligtas na sa kritikal na kondisyon si Jolo.

    “Sa mga panayam ko sa kanyang ina, si Cong. Lani, na siyang palaging nag-a-update sa akin, patuloy pa din ang prognosis sa kanya, tinatawag na ‘guarded.’ Ang ibig sabihin ay posible na ’yung kritikal na bahagi nu’ng nangyari sa kanya ay nakalipas na pero ’di pa din maalis ang kumplikasyon kung hindi maagapan ’yung mga sintomas na lumalabas sa panahon na ’yon,” pahayag ni Atty. Fortun.

    “Sa ngayon po ay puwede nating sabihin na medyo papunta na siya sa pagbuti ng kanyang katawan, pero kailangan bantayan pa din ito para masiguro na dire-diretso ang kanyang paggaling,” dagdag pa ng abogado.

    Pero kahapon din ng umaga, ilang oras matapos magsalita ni Atty. Fortun sa UKG ay nag-post si Congressman Lani Mercado sa kanyang Facebook account na “Lord please stop the bleeding in Jolo’s lungs. You are ultimate healer.”

    Sa kanang dibdib ang tama ni Jolo na tumagos sa kanyang likod. Kinailangang pasukan ng tube ang kanyang chest para i-drain ang dugo sa kanyang baga.

    “VG Jolo Revilla is back in the ICU. He already has a tube to drain blood from his lungs. We were advised by the doctor to limit visitors to family members only. They were able to drain half liter of blood from his lungs. Pls continue to pray for him,” ang post ni Lani sa kanyang FB noong Linggo.

    Kasama kami sa nagdadasal para sa agarang paggaling ni Jolo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here