Abangan na lang po natin ang pagtatalak ng mag-amang Jun at Jolina Magdangal ngayong unti-unti pero sigurado, Jolina is being eased out of GMA 7. Pinakahuling bulungan sa biz na ayaw na ng GMA 7 kay Jolina kaya una na itong sinibak sa Unang Hirit at ngayon nga ay sinibak na rin ito sa StarStruck.
Bakit nga ba nawala si Jolina Magdangal bilang host sa StarStruck V at si Carla Abellana ang ipinalit sa kanya ng GMA7?Hindi lang sa StarStruck natsugi si Jolens. Sa Unang Hirit ay hindi rin siya nakabalik. Si Sunshine Dizon ang nag-take over on her place. Ang nag-iisang show na lang ni Jolens ay Adik Sa ‘Yo na malapit na ring matapos.
Walang kaalam-alam si Jolina na out na siya as host ng StarStruck V. Nalaman na lang ng kanyang ama , na tumatayong manager niya, ang lahat nang magtanong ito kung kelan uumpisahan ang teaser ng reality show.
“Bakit? Ano’ng naging pagkakamali ko? I’m deeply hurt,” ani Jolina sa online net na www.stir.ph.
Na-shock daw siya at may pagtatanong pang bakit siya lang ang nawala, ang kanyang co-host na si Dingdong Dantes ay nanatili. Pagtatapos ni Jolens sa online net: “Professionalism and talent are no longer tickets to a successful showbiz career.”
Sa nangyaring ito, ano kaya ang move ng daddy ni Jolina para sa career ng anak na sa aming pagkakaalam ay talent pa rin ng GMA7?
Ano pa, di as usual, tatalak siya?