John Lloyd tanggap ng pamilya ni Shaina Magdayao

    430
    0
    SHARE
    Deny-to-death si John Lloyd Cruz sa isyung nagli-live in na sila ni Shaina Magdayao pero very persistent ang issue.

    Nang umamin na kasi si John Na talagang sila na ni Shaina, lalong nagging maigting ang paniwalang nagsasama na nga sila sa iisang bubong.

    “Imbento lang ‘yan. After umamin akong kami na, ayan naman, pinag li-live in na kami. I get along fine with her family and I will never betray their trust.

    So far, tahimik naman si Shaina, pero ang ate niyang si Vina Morales ang maingay tungkol sa isyu sa dalawa.

    Sabi niya, boto siya kay Lloydie. “Mabait siya. He attends our family affairs at tanggap siya ng family namin.” Vina also thanked him for admitting his relationship with Shaina in public. “It means a lot to our family kasi pagpapatunay ‘yun na mahal niya si Shaina at hindi niya hahayaan ang mga tao na basta patuloy itong husgahan. Being a sister, I’m very happy for both of them and I respect him for doing that. Thankful ako sa ginawa niyang ‘yun.”

    Abangan lang natin if and when si Shaina naman ang magsasalita. So far nga, tahimik lang siya at mukhang ine-enjoy lang nang husto ang pag-ibig nila ni John Lloyd Cruz.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here