John Lloyd Cruz umaming naglalasing

    376
    0
    SHARE
    Kahit halatang pinagbawalan si John Lloyd na sagutin yung isyu ng pagiging lasenggo niya na lagging pinag-uusapan lately, hindi pa rin talga siya mapigilan na banggitin ito.

    Ang ganda at very relevant ang sagot ni John Lloyd Cruz sa mga intriga at unfavorable write-ups na lumalabas sa ilang entertainment columns ngayon.

    Bagama’t hindi niya tuwirang inamin kung anuman ang, wika nga’y mga pagkakamali niyang iyon, sinabi niyang he learned from those mistakes.

    He denied na tuluyan nang naputol ang pagpapalitan nila ng text messages ng actress-beauty queen na naiugnay sa kanya after his breakup with stylist Liz Uy.

    If at all, they have remained in constant touch daw and are good friends.

    At the presscon of his reunion movie, Miss You Like Crazy, with Bea Alonzo and Direk Cathy Garcia-Molina, a number of the entertainment writers present noticed that John Lloyd has lost a lot of weight. He looked even better.

    The actor is excited about the film, lalo pa nga at ang tagal na raw na ’di niya nakakatrabaho si Bea, who herself was teamed up with other Kapamilya actors.

    Bea was with Sam Milby and Derek Ramsay in And I Love You So.

    John Lloyd, meanwhile, had two blockbuster films with Sarah Geronimo, A Very Special Love and You Changed My Life.

    Kuwento pa ni John Lloyd.

    “You know, tao rin kami. Kahit artista rin kami and naging successful, paminsan-minsan, hindi naman maiiwasan na makakagawa ka ng mga bagay na hindi ikatutuwa ng ibang tao, lalung-lalo na ng pamilya mo, ng magulang mo.

    “So, du’n sa mga bagay na nangyayari ang ganu’n, those are things na hindi mo maipagmamalaki or hindi mo kayang ipagmalaki ang sarili mo dahil medyo sumadsad ka do’n.

    “Pero ang maganda kasi do’n is that, alam mo na mayroon kang pagkakataon. ’Yung sinasabi nilang how you rise above it and mas masarap mag-focus do’n dahil pagkatapos mong matuto, ’yung maibibigay mo sa kapuwa mo, sa sarili mo, ’yun ang mas nagma-matter,” mahabang pahayag ni Lloydie.

    Natanong din sa magka-loveteam kung bakit kailangan pa nilang laging tumingin sa iba gayung nasa tabi lang nila ang isa’t isa.

    “Lagi naming sinasabi na what you see is what you get. And siguro, kahit anong paliwanag pa ang gawin namin, when love happens between two people, wala na tayong magagawa.

    “Siguro, in our case, hindi pa lang siya nangyayari or hindi siya nangyari. And hindi namin ide-deny ’yon. Because kapag talaga namang nangyari ’yon, malalaman n’yo rin po, mararamdaman n’yo. ’Yun po ’yung pinaka-honest na sagot na maibibigay ko,” ani Lloydie.

    Ayon naman kay Bea, may mga bagay siguro sa mundo na hindi pwedeng ipilit.

    “In our case, hindi namin kailangang ipilit kung hindi kami, kung hindi talaga nangyayari at kung hindi kami nabibigyan ng mga sitwasyon na nagpu-push sa amin to do that or to feel that,” say ni Bea.

    Samantala, may ilang scenes pang kailangang i-shoot para matapos ang movie na kukunan sa Malaysia, kaya sa Feb. 14, lilipad ang grupo para mag-shoot.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here