Noon pa man, bantulot nang magbitaw ng paliwanag si John Lloyd Cruz tungkol sa kontrobersyang kinasangkutan nila ng anak ni Annabelle Rama na si Ruffa Gutierrez.
Sa totoo lang, tinatawanan lang ni John Lloyd ang isyu pero ganoon pa man, nilinis niya noon si Ruffa sa isyung ito ang dahilan ng pagkasira ng relasyon nila ni Liz Uy.
Pero dahil ayaw ngang tumigil ng isyu na umabot pa sa puntong kesyo lumayas na si Ruffa sa bahay ng ina kasi nga pinag-awayan na nila ito.
Lalo pang nagulo ang buhay ni John Lloyd nang sitahin siya ni Annabelle on national tv at sinabihang kung tunay ngang lalaki si John Lloyd ay ilantad na nito ang tunay na relasyon nito sa ank niya, much more nag-dare pa na sabihing mahal nito si Ruffa sa publiko.
Ayaw daw ni Bisaya yung paged-deny ni John Lloyd sa anak niya.
But what is there to announce,” sabi ngayon ni John Loyd. The truth is totoong nasa being friends level lang sila ni Ruffa at wala sa balak nito na ligawan si Ruffa.
Kaya nga sa tono ni John Lloyd ngayon sa mga statement niya sa press, may pahaging na sobrang nagamit siya sa isyu gayong walang katotohanan ang lahat.
Isa pang natuklasan ni John Lloyd na medyo ikinasama niya ng loob is the fact na may ibang pinag-awayan pala’ng mag-ina at kung bakit napagdidiskitahan sa mga write ups na siya’ng dahilan ng malaking gulo.
Anyway, heto po ang mga statements ni Lloydie hinggil sa panggagamit di umano sa kanya ng mag-ina.
“Well, I am very happy na nagkaayos na sila,” sambit niya. “Hanggang doon na lang muna yung masasabi ko. Kasi kung nagkaroon man sila ng samaan ng loob, nilinaw naman nila na wala po akong kinalaman doon. At alam ko sa sarili ko na hindi ako ang dahilan.
“I don’t want to say more about it, kasi napaka-limited lang ng alam ko. Bilang kaibigan naman ni Ruffa, napag-usapan naman namin. Nagkita kasi kami nung birthday party niya.
“Ayoko lang magsalita na parang ilalagay ko pa yung sarili ko in great danger,” maingat na sabi ng aktor. “Kay Tita Annabelle at sa kahit na sinong magulang for that matter, e, kailangan lumabas yung highest respect mo for people. I have the highest respect for Tita Annabelle. Hindi lang bilang siya sa industriyang ito, pero bilang nanay ng kaibigan ko. Kung may sasabihin man ako, huwag na lang, kasi nirerespeto ko si Tita Annabelle.
“Hindi naman kasi ako puwedeng humingi sa inyo ng off the record,” nakangiting sabi ng aktor. “Pero sige, para mas maintindihan ninyo… Kagaya nung sinabi niya [Annabelle] na, ‘Magpakalalaki ka. Aminin mo at sabihin mo sa buong mundo na mahal mo si Ruffa.’ Hindi naman nag-e-exist yung word na ‘romantic love’ between me and Ruffa. So, paano mo naman sasagutin yun? Ibig kong sabihin, ayoko naman siyang mapahiya.
“Ito nga, sinasagot ko na ngayon… Kaya lang, pasensiya na at kailangan kong sagutin dahil tinatanong n’yo ako. Pero hanggang dun lang. Kapag nagsalita ako, hindi ito matatapos, e. So, gusto ko itong matapos na may respeto sa isa’t isa,” pakiusap ni John Lloyd.