Sa trailer pa lang ng The Mistress ay makikitang napakalakas pa rin talaga ng chemistry nina Bea at Loydie kaya naman muli ay natanong sa kanila kung bakit ba hindi sila nagkaroon ng relasyon lalo pa nga’t 10 years na ang itinatakbo ng kanilang loveteam at napakarami na nilang proyektong pinagsamahan.
Ayon sa dalawa, 10 years na nga raw itong palaging tinatanong sa kanila sa tuwing may presscon.
Sey ni Loydie, siguro raw ay ito ang blessing ni Lord sa kanilang dalawa na nakaya nilang hindi haluan ng personal ang kanilang pagtatambal kaya raw siguro hindi sila nagkaroon ng problema.
“Alam naman natin na pagka naging personal na, kung minsan, nagkakaroon ng problema, and more often than not, ang ending, eh nabubuwag na ‘yung tandem.
“So, natutuwa kami, ako personally ay masayang-masaya dahil hanggang ngayon, kaya pa naming gumawa, we’re very much able to do and sell a movie, and now, very soon, we’ll be back with a very beautiful teleserye and kung mayroon mang nabago kahit na maliit sa amin ni Bea, baka hindi kami nakatayo ngayon sa harap ninyo ng ganito,” pahayag ni Loydie.
So far, ang The Mistress ang pinakamatapang na pelikulang pinagsamahan nina Bea at Loydie dahil tumatalakay ito sa isang mistress tulad nga ng titulo nito.
Ginagampanan ni Bea ang papel na isang mistress sa isang old and prominent man pero sa kabila nito ay nagmahalan pa rin sila ng karakter ni Loydie.
Sa ganda ng trailer ay hinuhulaan nang magiging blockbuster na naman ang movie na idinirihe ni Olivia Lamasan. Showing na sa Sept 12 ang The Mistress at kasama rin dito si Hilda Koronel na ngayon lang natin ulit makikita sa big screen pagkatapos ng mahabang panahon.
Umuwi pa ang veteran actress sa Pinas mula sa Amerika para lang i-shoot ang pelikulang ito.
Samantala, binibiro naman si Loydie ng press kung perfect Sunday ba ito for him bilang pagtukso sa kanya kay Angelica Panganiban.
Matatandaang nag-post sila ni Angelica ng mga pictures nila recently na magkasama at may caption na “perfect Sunday” na lalong nagpatibay ng spekulasyon na may namamagitan ngang relasyon sa kanila.
Pero alam ni Loydie kung saan papunta ang tanong at say niya, hindi pa raw ito ang time para magsalita.
So there!